Lyrics

Parang kahapon lang Nang masilayan ko ang 'yong hiwaga Parang kahapon lang Pinapangarap lang na makasama ka Na maging akin ka Oh, kay bilis ng panahon, ngayo'y akin ka na Kaya't nangangako sa 'yo, aking mahal Lumipas man ang araw at gabi Ay tangan kang lagi sa 'king tabi Magbago man ang takbo ng mundo'y mananatili sa 'yo Hiwaga mo ay tangan ko hanggang sa dulo ng mundo Tila isang himala Tayo'y pinagtagpo at itinadhana Laman ng bawat kong dasal Na sana'y ikaw na nga habang-buhay Aking makasama Wala nang hahanapin pa Dasal ko ay dininig na Lumipas man ang araw at gabi Ay tangan kang lagi sa 'king tabi Magbago man ang takbo ng mundo'y mananatili sa 'yo Hiwaga mo ay tangan ko hanggang sa dulo ng mundo Oh-oh-oh-oh-oh, oh-oh-oh Lagi mo lang tatandaan, nandito lang ako Handang ibigay kahit pa buong buhay ko Para sa 'yo, lahat ay handang isugal Pasensiya ka na, gano'n lang kita kamahal Magbago man ang takbo ng mundo'y mananatili sa 'yo Hiwaga mo (hiwaga mo) ay tangan ko (ay tangan ko) Hiwaga mo ay tangan ko hanggang sa dulo ng mundo
Writer(s): Angelo Garcia Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out