Music Video

Music Video

Credits

PERFORMING ARTISTS
Apekz
Apekz
Performer
Flow G
Flow G
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Mark Anthony Parizal Cadiente
Mark Anthony Parizal Cadiente
Songwriter
Archie Dela Cruz
Archie Dela Cruz
Songwriter

Lyrics

[Chorus]
Wala 'tong dulo, kaya bakit 'di ko sasagarin?
Suntok sa buwan
Pero pati araw sasapakin
Pakiramdam ko nagawa ko na ang dapat gawin
Nangyari na'ng mga balak pero may bala pa rin
Kahit gumana na 'yung plano ay may gana pa rin
Asa ka, man
Hinding, hinding, hindi 'to tatamarin
Pakiramdam ko nagawa ko na ang dapat gawin
Nangyari na'ng mga balak pero may bala pa rin
[Verse 1]
Araw, araw nangungutang ng tulog puro na puyat
'Yung sulat 'di masukat, laging pambudburan ng utak
Tulak pa rin nang tulak lalo't ramdam kong umuusad
Gano'n talaga siguro pagka pangarap mo lampas ulap
At ayoko masanay na makatikim ng puri
Baka mabusog 'yung gutom ko, Diyos ko ako din ang lugi
Bago pa man nakilala ang dami nang gusto masulit
Ngayon namang nakilala 'ko gusto ko na ay maiukit
[Verse 2]
Ang pangalan kong gala, lalo ngayon dito 'ko dinala
Bago pa matabunan, magmarka
Kahit mga bagay na hindi na dapat ginawa ay ginawa
Kasi pakiramdam ko'y para dito ako ginawa
Kung usapang sipag, 'yung sampu ay sinasampu ko
'Sang daang porsyento lagi para puro
Nung natuto mas tumutok, mas natuto, sinapuso't, sinaulo
Lahat ng pwede kasi sabi sa kuro, kuro wala 'tong dulo
[Chorus]
Wala 'tong dulo, kaya bakit 'di ko sasagarin?
Suntok sa buwan
Pero pati araw sasapakin
Pakiramdam ko nagawa ko na ang dapat gawin
Nangyari na'ng mga balak pero may bala pa rin
Kahit gumana na 'yung plano ay may gana pa rin
Asa ka, man
Hinding, hinding, hindi 'to tatamarin
Pakiramdam ko nagawa ko na ang dapat gawin
Nangyari na'ng mga balak pero may bala pa rin
[Verse 3]
Magmano ka muna sa'kin bago ka mag magaling
Sa oras na maging bituin, hirap ka nang matahin
Laging tinatalo 'yung tao sa harap ng salamin
Gulong ay makapit kahit malayo na ang narating
Lumusot sa butas ng karayom, walang kupas ang tela
Dahil ang makina'y puno ng mga makukulay na letra
Lapis, upuan, lamesa naging puhunan sa gyera
Kinalabit ko na ang gatilyo habang puro ka teka
Naka abang sa pagkadapa, asa ka pa para kang tanga
Mga talangkang walang magawa, naghahanap ng kasama sa baba
Hindi na kailangan pa na mag abala kusa naman na mawawala, walang makakadama
Tignan mo bandang huli sila pa 'yung mga nakakatawa
Palaging puno ang tangke sa napiling daanan
'Di hahayaan may makinabang sa pinag hirapan
Hindi mababago, malabong matakot sa laban, wala nang atrasan
Lilipad nang matayog kahit na umabot pa hanggang kalawakan
[Chorus]
Wala 'tong dulo, kaya bakit 'di ko sasagarin?
Suntok sa buwan
Pero pati araw sasapakin
Pakiramdam ko nagawa ko na ang dapat gawin
Nangyari na'ng mga balak pero may bala pa rin
Kahit gumana na 'yung plano ay may gana pa rin
Asa ka, man
Hinding, hinding, hindi 'to tatamarin
Pakiramdam ko nagawa ko na ang dapat gawin
Nangyari na'ng mga balak pero may bala pa rin
[Chorus]
Wala 'tong dulo, kaya bakit 'di ko sasagarin?
Suntok sa buwan
Pero pati araw sasapakin
Pakiramdam ko nagawa ko na ang dapat gawin
Nangyari na'ng mga balak pero may bala pa rin
Kahit gumana na 'yung plano ay may gana pa rin
Asa ka, man
Hinding, hinding, hindi 'to tatamarin
Pakiramdam ko nagawa ko na ang dapat gawin
Nangyari na'ng mga balak pero may bala pa rin
Written by: Archie Dela Cruz, Mark Anthony Parizal Cadiente
instagramSharePathic_arrow_out

Loading...