Credits

PERFORMING ARTISTS
Gloc-9
Gloc-9
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Aristotle Pollisco
Aristotle Pollisco
Songwriter
Venzon Odulio Malubay
Venzon Odulio Malubay
Songwriter
PRODUCTION & ENGINEERING
BTDTbeats - Been There Done That
BTDTbeats - Been There Done That
Producer
BTDT Beats
BTDT Beats
Producer

Lyrics

[Verse 1]
Tunay ang inalay ko sa'yo, magmula noon
'Di ko inakala na biglang magkakaganon
Nagsumpaan tayong dalawa, walang iwanan
Bakit tila bigla mo na lamang nakaligtaan?
[Chorus]
Hey, hey, hey
Natatandaan mo ba?
Say what, say what, say what?
No'ng tayo lang dalawa
No'ng tayo, tayo, tayo
Lahat binigay ko na
Lahat, lahat
Pero humanap ka ng iba
Sorry na lang, sorry
Natatandaan mo ba?
No'ng tayo pang dalawa
Ok lang din naman
Lahat tinangay mo na
Bakit nabulag sa maling akala?
[Verse 2]
Nang una kitang makilala
'Di ko inakala tayo'y magsasama
Ako'y isang hangal na umasa
Na ang tulad mo ay hindi mandadaya
[Verse 3]
Masahol ka pa sa taksil kung pwede lang kumitil
Buti na lang ay 'di ko laging dalang aking baril
Ako'y gigil na gigil sa pisngi mong 'di mapisil
Pumuti ka lamang kaya ubod ka ng feel na feel
[Verse 4]
Inangkin niya, lahat, lahat na
Mga gamit na ipinundar naming dalawa
Ang masaklap pa, sagad, sagad na
'Di daw makakahanap ng higit sa kanya
[Verse 5]
Pero 'pag tinanaw mo ang kinahinatnan
Sinong nagligpit ng pinagkainan?
Sa salamin, sarili mo ay masdan
Alam mong 'di ka naman kagalingan
[Chorus]
Hey, hey, hey
Natatandaan mo ba?
Say what, say what, say what?
No'ng tayo lang dalawa
No'ng tayo, tayo, tayo
Lahat binigay ko na
Lahat, lahat
Pero humanap ka ng iba
Sorry na lang, sorry
Natatandaan mo ba?
No'ng tayo pang dalawa
Ok lang din naman
Lahat tinangay mo na
Bakit nabulag sa maling akala?
[Verse 6]
No'ng una kitang makita, 'kala ko diwata
Kaya agad, agad napraning
Parang napakasarap mong kagatin
Kaya naman sa'yo lahat, handang gawin
Lalo na no'ng inaya mo na 'kong magsama
Tayong dalawa, nagbalot agad ng damit
Magkayakap na lagi sa gabing malamig
Anumang oras ay pwede kang makalabit
[Verse 7]
Akala ko masayang kasama ka sa isang bahay
Dahan, dahan lumalabas ang tunay mo na dahilan at pakay
Ginawa mo 'kong taga-linis, taga-hugas, taga-laba, taga-ligpit
'Di mo naman sinabing katulong pala ang kailangan mo't hindi pag-ibig
[Verse 8]
'Pag si Lito nandito, asikaso ko'y pang-kastilyo
Parang hari ka sa pinakilala mo sa akin na iyong ninong na tito pa
Sagot niya ang lahat, pagkaing masarap
Kaya pala kapag palabas ako ang saya, saya na niya
[Verse 9]
Akala ko ako lang, mali akala ko, aah
Ta's 'pag Sabado, me time, papaalam mo, ha, ha
Dala, dala ko ang lahat ng 'to
Nagpakalayo naging malago
Ngayon naabot ko pangarap ko
Ba-bye na sa'yo, who you ka ngayon?
[Chorus]
Hey, hey, hey
Natatandaan mo ba?
Say what, say what, say what
No'ng tayo lang dalawa
No'ng tayo, tayo, tayo
Lahat binigay ko na
Lahat, lahat
Pero humanap ka ng iba
Sorry na lang, sorry
Natatandaan mo ba
No'ng tayo pang dalawa
Ok lang din naman
Lahat tinangay mo na
Bakit nabulag sa maling akala?
[Chorus]
Hey, hey, hey
Natatandaan mo ba?
Say what, say what, say what?
No'ng tayo lang dalawa
No'ng tayo, tayo, tayo
Lahat binigay ko na
Lahat, lahat
Pero humanap ka ng iba
Sorry na lang, sorry
Natatandaan mo ba?
No'ng tayo pang dalawa
Ok lang din naman
Lahat tinangay mo na
Bakit nabulag sa maling akala?
Written by: Aristotle Pollisco, Venzon Odulio Malubay
instagramSharePathic_arrow_out

Loading...