Lyrics

Habang tumutunog ang gitara sa 'kin, makinig ka sana Dumungaw ka sa bintana na parang isang harana Sa awit na aking isinulat ko kagabi 'Wag sanang magmadali at 'wag kang mag-atubili dahil... Kahit na wala akong pera Kahit na butas aking bulsa Kahit pa maong ko'y kupas na At kahit na marami d'yang iba Ganito man ako (maniwala ka sana sa akin) Simpleng tao (na ikaw ang lagi kong dalangin) Ang maipagyayabang ko lang sa 'yo (ay ang...) Pag-ibig ko sa 'yo na 'di magbabago At kahit na anong bagyo, ika'y masusundo Ganito lang ako (maniwala ka sana sa akin) Simpleng tao (na ikaw ang lagi kong dalangin) Na umaasa hanggang ngayon Hindi mo naman kailangan ang sagutin ang aking hinihiling Nais na maparating na 'di na muli pang dadaloy ang luha Pupunasan nang kusa, 'di kailangang manghula Kahit pamasahe lang ang palagi kong dala Upang makasama ka, kapag nakikita ka, lagi kang aalalayan Kahit ano man ang 'yong mga ibinubulong Malalim pa sa balon, ito lamang ang... Pag-ibig ko sa 'yo na 'di magbabago At kahit na anong bagyo, ika'y masusundo Ganito lang ako (maniwala ka sana sa akin) Simpleng tao (na ikaw ang lagi kong dalangin) Humingi na ba ng saklolo Kay Spider-Man o kay Batman Kay Superman o Wolverine Kahit 'di maintindihan Baka sakaling pansinin Ganito lang ako (maniwala ka sana sa akin) Simpleng tao (na ikaw ang lagi kong dalangin) Ang maipagyayabang ko lang sa 'yo (ay ang...) (Pag-ibig) ko sa 'yo, ito'y totoo Wala nang iba, ikaw at ako lang ang nasa isip at panaginip 'Pag nakikita ka, sasabihin ko'y nawawala Ikaw na nga ang dahilan kung bakit nasulat ko Ang tulang kahit kanino ay aking maipagyayabang Minamahal kita subali't tanggapin mo sana kahit... Ganito lang ako (maniwala ka sana sa akin) Simpleng tao (na ikaw ang lagi kong dalangin) Ang maipagyayabang ko lang sa 'yo (ay ang...) Pag-ibig ko sa 'yo na 'di magbabago At kahit na anong bagyo, ika'y masusundo Ganito lang ako (maniwala ka sana sa akin) Simpleng tao (na ikaw ang lagi kong dalangin) Ang maipagyayabang ko lang sa 'yo Pag-ibig ko sa 'yo na 'di magbabago At kahit na anong bagyo, ika'y masusundo Ganito lang ako (maniwala ka sana sa akin) Simpleng tao (na ikaw ang lagi kong dalangin) Na umaasa hanggang ngayon sa pag-ibig mo Sa pag-ibig mo Sa pag-ibig mo (Maniwala ka sana sa akin) (Na ikaw ang lagi kong dalangin) Sa pag-ibig mo (Maniwala ka sana sa akin) (Na ikaw ang lagi kong dalangin) Sa pag-ibig mo (Maniwala ka sana sa akin) (Na ikaw ang lagi kong dalangin) Sa pag-ibig mo (Maniwala ka sana sa akin) (Na ikaw ang lagi kong dalangin)
Writer(s): Aristotle Pollisco, Martinez Christian Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out