Lyrics

Kayo po na nakaupo Subukan niyo namang tumayo At baka matanaw, at baka matanaw ninyo Ang tunay na kalagayan ko (ganito kasi 'yan, eh) Tao po, nandiyan po ba kayo sa loob Ng malaking bahay at malawak na bakuran? Mataas na pader, pinapaligiran At nakapilang mga mamahaling sasakyan Mga patay na laging bulong nang bulong Wala namang kasal pero marami ang nakabarong Lumakas man ang ulan ay walang butas ang bubong Mga plato't kutsara na hindi kilala ang tutong At ang kanin ay 'singputi ng gatas na nasa kahon At kahit na hindi pasko, sa lamesa ay may hamon Ang sarap sigurong manirahan sa bahay na ganyan Sabi pa nila ay dito mo rin matatagpuan Ang tao na nagmamay-ari ng isang upuan Na 'pag may pagkakatao'y pinag-aagawan Kaya naman hindi niya pinakakawalan Kung makikita ko lamang, siya ay aking sisigawan Kayo po na nakaupo Subukan niyo namang tumayo At baka matanaw, at baka matanaw ninyo Ang tunay na kalagayan ko Mawalang-galang lang po sa taong nakaupo Alam niyo bang pangtakal ng bigas namin ay 'di puno? Ang dingding ng bahay namin ay pinagtagpi-tagping yero Sa gabi ay sobrang init na tumutunaw ng yelo Na 'di kayang bilhin upang ilagay sa inumin Pinakulong tubig sa lumang takuring uling-uling Gamit ang panggatong na inanod lamang sa istero Na nagsisilbing kusina sa umaga'y aming banyo Ang aking inay na may kayamanang isang kaldero Na nagagamit lang 'pag ang aking ama ay sumuweldo Pero kulang na kulang pa rin, ulam na tuyo't asin Ang singkuwenta pesos sa maghapo'y pagkakasiyahin 'Di ko alam kung talagang maraming harang O mataas lang ang bakod o nagbubulag-bulagan lamang po kayo Kahit sa dami ng pera niyo Walang doktor na makapagpapalinaw ng mata niyo kaya- 'Wag kang masyadong halata Bato-bato sa langit Ang matamaa'y 'wag magalit, oh Bato-bato, bato sa langit Ang matamaan ay 'wag masyadong halata 'Wag kang masyadong halata 'Wag kang masyadong halata 'Wag kang masyadong halata
Writer(s): Aristotle Pollisco Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out