Dari

Lirik

Isang kilong bigas sa isang dosenang bibig
Isang sahig na matigas sa gabing malamig
Isang lupang tigang na pinipilit madilig
At malalaman mo lang kung pipiliing makinig
Isang daang mag-aaral sa isang mainit na silid
Hati-hati sa aklat kasi ang pondo'y sinilid
Sa bulsa, nagdurusa mga pobre na paslit
Edukasyong dapat maayos, tila tyansa'y maliit
Magsasakang nagsasaka ng palay ng iba
Manggagawang nagpapala ng bahay ng ibang
Madadayang mayayaman, mayayabang umasta
Pulitikong namumulitika, sumpa nila'y basta
Sangdamukal na pangako ng buwaya na nagpako
May hunyango na umako na nilangaw ang nilako
Kahit saang banda o dako, dapat wag itago
Katotohana'y lalabas at aalingasaw mga baho
Ako'y mahinang tinig na nakakarinde
Sa gobyerno ng impyerno may bampirang bingi
Mananatili ka bang bulag kung ganito katinde?
Nawa'y maisip mo ito, sige tara suminde!
Sige tara suminde!
Sige tara suminde!
Mananatili ka bang bulag kung ganito katinde?
Kasi pagpili nasayo, liwanag wag mapunde
Libo-libong empleyado sa umento ay natalo
Parang makinang palyado o takilyang di tinao
Pagbabagong inalok ay bulok sa loob
Aming ulo'y nabagok nagising ang tulog
Makatao daw kuno, ang pitaka'y puno
Kakakupit ilang ulit panong di pa kukulo
Aming dugo, panibugho, panay bugso mga damdamin
Kumpara sa kapangyarihan mo, kulang ang dami namin
Isang porsyento namumuno sa siyamnaput siyam
Demokrasya ba ito? Teka anong sagot iyan?
Sistema mong minana babaguhin mo pa ba?
O tititigan mo na lamang hanggang balutin ng kaba?
Itong duyan ng magiting daw, tahanan ng magnanakaw
At nakakalungkot isipin na pinuno pa ang matakaw
Mga ganid, manggagamit, magagalit ka nga
Kaya ngayon ay patunayan mong hindi tayo tanga
Ako'y mahinang tinig na nakakarinde
Sa gobyerno ng impyerno may bampirang bingi
Mananatili ka bang bulag kung ganito katinde?
Nawa'y maisip mo ito, sige tara suminde!
Sige tara suminde!
Sige tara suminde!
Mananatili ka bang bulag kung ganito katinde?
Kasi pagpili nasayo, liwanag wag mapunde
Nagkakaron ng karamdaman, ganyan nga pagnakasuhan
Katusuhan na sagad-sagaran hanggang kaaupuhan
Pork barell ay pinapapak, limpak pa ang commission
Payamanan at kumpetisyon pero sa mamamayan ay konsumisyon
Tila kulang pa ang pawis na pambayad ng buwis
Habang ang bank account nila'y obese, tayo ay kupis
Lahat na lang sinisingil piga ka na'y pinipisil ka pa
Buhay ka pa'y kinikitil ka na
Pati gera ginawa nilang negosyo
Basta pera kahit sino ay pwedeng maging kasosyo
Pondo sa nutrisyon napunta sa bala't amunisyon
Sinong dapat palitan? Sila ba o ang kontistusyon?
Nakakapikon pag may tanong walang tugon
Napataon lang ba o sobra na' t dito'y napatuon
Lahat ito ay pawang pananaw na di na maikahon
Hinukay ko na ang kamalayang kay tagal ng nabaon
Ako'y mahinang tinig na nakakarinde
Sa gobyerno ng impyerno may bampirang bingi
Mananatili ka bang bulag kung ganito katinde?
Nawa'y maisip mo ito, sige tara suminde!
Sige tara suminde!
Sige tara suminde!
Mananatili ka bang bulag kung ganito katinde?
Kasi pagpili nasayo, liwanag wag mapunde
Bloodsucker!
Vampire!
instagramSharePathic_arrow_out

Loading...