Dari
PERFORMING ARTISTS
Roundhouse
Performer
Heads Placido of Stick To Die
Background Vocals
COMPOSITION & LYRICS
Roundhouse
Composer
PRODUCTION & ENGINEERING
Symoun Durias - Tower Of Doom
Recording Engineer
Lirik
Tara na sa buwan mamingwit ng bituin
Saksi ang kalawakan, hawakan, wag biguin
Itong pangarap na 'di lang basta hinagilap dun sa ulap
Daanan ma'y mahirap pero pare, handang tiisin
Merong malubak, baku-bako, diretso, patag at liko
Maalon, kalmado, pabago-bago man paligid ko
Byahe, kumpleto na pamasahe
Panahon ma'y nakatawa o kahit medyo salbahe
Di bale basta meron lang prinsipyo na hindi mabali-bali
Espiritung hindi matali-tali
Sungaban ang pagkakataon 'wag lamang dali-dali
Pag merong hinahanap ay nagbabakasakali
Mababalewala kung magpapariwara
Paulit-ulit mangyayari parang plakang sira
Ang buhay umiikot 'di palaging dapa
Sa muli mong pagtayo ay mas matibay na nga
Gutom, sa hangaring dakila, hindi nanatiling mahina, lumaban
Uhaw, sa kopita ng hari ay uminom at lalo lang tumapang
Busog ka na ba? bago ang kubyertos ko na tangan
Tumindig, tumitig, bumalik
Tumindig, tumitig, bumalik
Bagong kabanta, mas malilim na panata
Masigasig, sumasampalataya
Sa liwanag 'di tumiwalag
Nung pangarap lumapag
Lumipad na parang agilang malaya
Kami pinapayanig ang konkretong gubat
Puso'y dinilig ng koteksto't sulat na
Nagalalarawan sa nakikita ng mata
May elemento ng gulat
Sa alipin ng sining
Kinabukasan laan kung sino ang magiting
Sige bukas yung daan, tara atin ng pasukin
Atin ng baguhin ang paniniwalang di magagagawa
Malamig na daigdig ay kayang-kayang pausukin
Sa higanteng hangarin, pangarap maliit na isla kayang-kaya ng sakupin
Sige, sakupin
Gutom, sa hangaring dakila, hindi nanatiling mahina, lumaban
Uhaw, sa kopita ng hari ay uminom at lalo lang tumapang
Busog ka na ba? bago ang kubyertos ko na tangan
Tumindig, tumitig, bumalik
Tumindig, tumitig, bumalik
Nang mas gutom, sa hangaring dakila, hindi nanatiling mahina, lumaban
Uhaw, sa kopita ng hari ay uminom at lalo lang tumapang
Busog ka na ba? bago ang kubyertos ko na tangan
Tumindig, tumitig, bumalik
Tumindig, tumitig, bumalik
Ituloy lang natin 'to
Wag na wag na wag kang hihinto
Siguradong makukuha din natin to
Ginto ginto
Ituloy lang natin 'to
Wag na wag na wag kang hihinto
Siguradong makukuha din natin to
Ginto ginto
Ayos lang ang gutom, wag lang sobrang takaw
Ayos lang ang gutom, wag lang sobrang takaw
Ayos lang ang gutom, wag lang sobrang takaw
Ayos lang ang gutom, wag lang sobrang takaw
Ayos lang ang gutom, wag lang sobra
Sobrang takaw
Written by: Roundhouse