Songteksten

Ibibigay sa 'yo lahat ng gusto mo Karangyaan, kayamanan na pwede mong hawakan Dito sa ibabaw ng mundo Sabi ng mapagsamantalang damdaming pansamantala Na ako nga daw ay hangal dahil sa pagmamahal Na 'di kayang tumbasan ng kahit na ano mang materyal Dating nasa panaginip lang ang binibini na Naging rason ng kada gising ko sa umaga Kung magmahal ka, kalangita'y nagiging kama Parang gabi-gabi kung makasiping ko si Darna 'Pag ika'y kayakap, mas lalo kong nalalaman Ang ibig sabihin ng kayamanan Kahit na halaga man ng pambayad, upa sa aming tahanan Ay presyo lang ng nasa mesa nila tuwing agahan Bagong telepono, magara na sapatusan Ayon ay 'di ko maibibigay ang iyong layaw 'Pagkat ang kaya ko lang ay ipadama sa 'yo Na laging ika-14 ng Pebrero kada araw Halik mo ay hindi kayang tuldukan Ng tamis na daig pananim sa tubuhan 'Di ka man mahandugan kahit maski pandesal Pag-ibig ko ay hindi kayang tumbasan ng ano mang materyal Ibibigay sa 'yo lahat ng gusto mo Karangyaan, kayamanan na pwede mong hawakan Dito sa ibabaw ng mundo Sabi ng mapagsamantalang damdaming pansamantala Na ako nga daw ay hangal dahil sa pagmamahal Na 'di kayang tumbasan ng kahit na ano mang materyal Pasensiya kung minsanan na lamang kita dalawin Madalas lang talaga 'ko kailanganin do'n sa amin Bakit wala kang kibo tuwing ikaw ay yayakapin? Makasibat na nga, nanlalamig ka na ba sa 'kin? Naku, sana 'wag naman, gustuhin ko mang agaran Na dalawin kaso baka kumot mo'y nasa labahan pa 'Wag ka mag-alala sa aking kalagayan Sa ngayon ay kaya ko nang ibigay sa 'yo ang kalawakan Habang nakahiga't magkahawak ang kamay Labi mo'y tanging sa pisngi ko lang nakalagay Tawanan hanggang sa mag-umaga Mapakahirapan ay kasama mo akong umaray Katabi ka hanggang sa kayamanan malulong Mga bagay na sana'y nagawa pa natin noon Kung 'di ako nakatulog nang nagmamaneho't Gisingin ng dalawang higanteng ilaw na sa 'kin pasalubong Ibibigay sa 'yo lahat ng gusto mo Karangyaan, kayamanan na pwede mong hawakan Dito sa ibabaw ng mundo Sabi ng mapagsamantalang damdaming pansamantala Na ako nga daw ay hangal dahil sa pagmamahal Na 'di kayang tumbasan ng kahit na ano mang materyal Kung nandirito ka lang ay nasa langit na 'ko malamang Kahit ang kaya ko lang iparamdam sa 'yo'y Malamig na hangin, 'di ka man kayang yakapin Nagawa kang tabihan nang ako lang ang may alam Kung nandirito ka lang ay nasa langit na 'ko malamang Kahit ang kaya ko lang iparamdam sa 'yo'y Malamig na hangin, 'di ka man kayang yakapin Nagawa kang tabihan nang ako lang ang may alam (may alam) Ibibigay sa 'yo lahat ng gusto mo Karangyaan, kayamanan na pwede mong hawakan Dito sa ibabaw ng mundo Sabi ng mapagsamantalang damdaming pansamantala Na ako nga daw ay hangal dahil sa pagmamahal Na 'di kayang tumbasan ng kahit na ano mang materyal
Writer(s): Lester Paul Vano, Sean Patrick Ramos Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out