Songteksten

Isang sikat na Fliptop rapper ang inaresto sa Buy bust operation sa Makati City Siya si Marlon Peroramas o mas Kilala bilang si Loonie Members of Makati's drug enforcement unit Have arrested rapper Loonie Nakuhanan sila ng ilang pakete ng droga Miyerkules nung nakaraang linggo Nang maaresto si Loonie at apat na iba pa Matapos makumpiskahan ng Kush for High grade marijuana Bagamat makulay ang mga pabalat Alam mong mahusay ang pagkakalahad Mga tunay na ganap, isinulat ng pa-rap Kaya 'wag ka nang magulat Kung magtutugma lahat Sapagkat ito'y galing sa memorya Isang napaka-importante na istorya Ito ang aking personal na testimonya Pangontra sa mga ignorante na teyorya Ito ay tunay na buhay Wala 'kong dahilan para magsinungaling At mga detalye palitan Ito ang kwento kung pa'no kami tinaniman ng Marijuana ng mga parak na mukhang taliban Bandang alas otso ng gabi sa Pilipinas Sa isang gusali doon sa may Ortigas Walang oras bago ang rehas ay mahimas Kasama ko si Ron Henley ng Stick Figgas May interview kami sa radyo nung gabi na 'yon Tungkol sa marijuana at sa legalisasyon Pagkatapos namin umalis agad sa istasyon Dahil meron pa 'kong Pupuntahang isang okasyon Do'n sa Poblacion, birthday daw ni Shawn 'Yun lang alam ko na detalye pa noon Medyo masama ang panahon, umaambon Kaya tinext ko na si utol Pumunta ka na ngayon Humiwalay na si Ron, sumakay ng taxi Dahil bukas may recording pa kami ni Klumcee Utol kong si Idyll, sinundo ako sa lobby Gamit ang aking Subaru na tunog Ferrari Saan tayo pupunta? Private daw na party 'Yung reception ay isang hotel do'n sa Makati Bata na may cancer, kumontak kaniyang mommy Idol ako ng anak at rap ang kaniyang hobby Pangalan daw ay Shawn, walang pake sa money Kasi handang magbayad kahit magkano si daddy Lumambot ang aking puso nung una ko narinig Naawa ako kay Shawn, mga luha nangilid Nung nalaman kong lagay na Daw ng bata tagilid 'Di niyo kailangan magbayad Pupunta ako sa event Rekta sa Makati kahit traffic ay kainip Hay! Kasama ko si Rude at si Ivan ang sikip At si Kuya Albert 'yung driver kong mabait At tsaka si Idyll aking manager at kapatid Na merong talastimya, isang kakaibang sakit Kailangan niya laging salinan ng Dugo na pantawid at dahil malapit lang sa Hotel 'yung Makati Med Sumabay na lang siya sa'min Para mas makatipid Sabay ka na para isang kotse na lang 'Yung katabi ko sa back seat Si Rude Boy at si Ivan Documentation, security at hype man Bali siksikan kami sa aking tsikot (Wag malikot) Tatlo kaming mga lalaki sa likod Pagdating sa Makati, sakto lang 'yung tayming Nag-text na rin 'yung mommy at nagsabing Nag-start na daw 'yung party Sa basement daw 'yung parking, salamat Sa pagpunta, pasok lang kayo, darling Pagbaba ng kotse, hinanap ko 'Yung main floor May nagpa-litrato sa tabi ng elevator Idol pwede favor? Baka pwede magpa-picture Kasi idol na idol Ka talaga ng anak ko na grade four (Yeah, four) Nag-selfie kaming dalawa sa kaniyang razor Tapos tinutok sa'kin 'yung Baril ni terminator (Positive, Sir) Pero bilang na rator, lagyan natin ng flavor Para 'di masyadong halata 'yung Trauma ko na major (What the fuck?) Nakakagulantang 'sang katutak na ninja cops Sa amin ang tumambang Parang WuTang Clan lang Lampas sampu lumabas sa van Pasensya na idol, napag-utusan lang Humakbang paatras at wala nang nagawa Tinutukan ng beretta sa mukha Pinadapa, pinosasan Pilit pinapatingin sa baba Mga bulsa namin isa-isa nilang kinapa Akala ko kidnap for ransom ang sadya o Kaya baka prank lang 'to na malala 'Langhiya Dapa, dapa, dapa! Kamay sa likod, tingin sa baba dapa sabi eh! Nakadapa kami habang napapanood ng aking Utol na kasalukuyang naka-bukod May tinabi silang kahon Malakas kaniyang kutob na meron 'tong Mga lamang kontrabando sa loob Tsaka na lang silang nagpakilalang mga parak Nung isa na sa mga kasama nila nasapak Walang uniporme at naka maskara lang Lahat, walang Mirandang binasa Basta basta lang agad (My God) Sikat na hotel at Nakakapagtaka'y maraming CCTV Lahat nakapatay Wala man lang body cam na nakalagay Kahit kuha man lang ng cellphone Gamit kamay sabi daw ng pulisya Sa'kin daw nakumpiska pero 'di makumpirma Kasi walang kahit ni isang saksi na pumirma Walang video ng palitan, magmula nung umpisa Kung under surveillance pala dapat May footage ka ('Di ba? Kung under surveillance pala Dapat may footage na) Kung normal na tao nagva-viral 'Pag nahuli siya Paano na lang kaya kung si Loonie pa Nung nasagot ko 'yung PDEA at aking kinondena Mga ulo nila bigla nagkaroon ng Bumbilya para ma-promote sa pwesto Ako ang pinuntirya Ng mga ninja cops na gustong magbida-bida ('Di ba, 'di ba?) Bigla silang nakaisip ng ideya kasi napanood Nila 'yung live ko sa PDEA Nung binan nila 'yung kantang "Amatz" dahil sa tema Pero "Maria Hiwaga" ni Sassa, walang problema Aba, punyeta talamak na ang taniman Buy bust daw kaso bakit parang madalian 'Di ba dapat pinaghahandaan 'yan at Kalimitan minamanmanan ng malayuan Malapitan May mga camera na nakatago sa pagitan kaya Medyo weirdo kasi walang video ng palitan Akala ko ba buy bust 'to Na malakihan, nakakapagtaka lang, kaibigan Gusto mong maintindihan at mabatid Gamitin mo lang ang sentido kumon, kapatid Para sa isang daang libro magpapaka-astig Kayang-kaya ko 'yang kitain ng Triple isang gig at kung pusher man ako Na sinasabi nilang weed Bakit naman ako pa mismo maghahatid Ni hindi nga ako lumalabas ng bahay tsaka Bihira mong makita sa kalsada tumawid At bakit ako magbebenta sa 'di ko kakilala Kung sa eksena ko ay maraming nagma marijuana Bakit ko papahirapan ang sarili ko habang Sinusugal ang karerang matagal Kong pinagsikapan bakit isasama ko pa 'yung Kapatid kong may karamdaman At camera man para mag-vlog ng kaganapan Walang saysay na mga paratang Pawang haka haka Lamang para pangalan ko ay yurakan Alam kong meron akong mga paa na natapakan Ngunit 'di ko 'yon sinasadya Ako ay tao lamang Pinaglaban lang ang paglikha Ng merong kalayaan at kung 'yon ay masama 'Yun lang ang aking kasalanan
Writer(s): Marlon Peroramas Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out