Lyrics

Tandang-tanda ko pang abot-langit ang saya Kapag kasama ka, kaso lang wala ka na Kung minsan ako'y napapadaan Sa lugar na kung saan una tayong nagka-unawaan Naaalala ko pa n'ung tayo'y highschool pa Sa'n man ako magpunta, laging nandu'n ka Du'n sa may tabing-ilog, ikaw lang at ako Namumulot ng bato, palayuan ng bato Nahuhulog na ako sa mga tingin mo Pag ako'y nagtatampo, agad nilalambing mo Anong gagawin ko? 'Di ako mapalagay Laging ang mga kamay, sa bulsa nakalagay Isang gabi nagka-inuman kasama ang barkada Basag nu'ng nagtapat ng pag-ibig sa may kalsada Mahal kita, mahal mo s'ya, ngunit may mahal na s'yang iba Pwede bang tayo na lang dalawa at bahala na lang sila? Pilit kong limutin ka pero parang 'di ko kaya Mga alaalang nagpapaalala Mga gabi na hinati nating dalawa magkasama Pilit mang 'di isipin ka, talagang hindi ko kaya Mga alaalang nagpapaalala May masasayang sandali tayong dalawa magkasama Maghapon na nga tayong magkatabi sa klase Kaso lang madami pa ring lalaking palihim dumiskarte Pulis, negosyante, alkalde, Higante, maging estudyant, nagiging galante Kahit palagi akong talunan, hindi pe-pwedeng walang rebanse Sinusundan kita kahit saan Sinisigurong may pusong nakalaan sa Bawat parisukat na mukha mo ang laman Nu'ng umaga, tanghali, gabi, nagawa ko naman silang tambakan Ngunit pagsapit ng hatinggabi, sila'y nagwagi, isa ang lamang Lang naman nila sa 'kin ay madami silang nagamit na hugot 'Di tulad ko, wala lalo na 'pag tayo'y nasa ilalim ng kumot Dati-rati parang mga kalapati sa gabi Mga tuka'y nagkalapit, mga isip makakati Kahit na 'di sila boto Siraan ka man ng mga chismosa't chismoso Habol ko pa rin ang matamis mong oo Mahal kita, mahal mo s'ya, ngunit may mahal na s'yang iba Pwede bang tayo na lang dalawa at bahala na lang sila Pilit kong limutin ka pero parang 'di ko kaya Mga alaalang nagpapaalala Mga gabi na hinati nating dalawa magkasama Pilit mang 'di isipin ka, talagang hindi ko kaya Mga alaalang nagpapaalala May masasayang sandali tayong dalawa magkasama 'Di ko mapigilang mainggit Sa tuwing makakakita ng magkasintahang magkayakap ng mahigpit Kaya naman naghahanap rin ng kalambingan Pero sa aking isipan, ikaw ang kahalikan Hinahanap-hanap ko ang mga yakap mo Tanging larawan mo lamang ang hawak ko Sana pangalan ko ang sunod na matawag mo Handang dumaong sa 'yong tabing-dagat ang sinasakyang barko Matarik man ang bundok, mabato man ang sapa Mababaw man ang luha mo, hindi ko na hahayaan 'yang maglawa Puyat ako ilang gabi na 'Di ko makayanan kasi nakasanayang katabi ka Mapanlinlang ang damdamin Binubulag muna tayo bago makita ang barahang ibinababa natin Kaya kung sasabihin mong kalimutan na kita Parang sinabi mo na rin sa 'king 'wag na'kong huminga kahit... Pilit kong limutin ka pero parang 'di ko kaya Mga alaalang nagpapaalala Mga gabi na hinati nating dalawa magkasama Pilit mang 'di isipin ka, talagang hindi ko kaya Mga alaalang nagpapaalala May masasayang sandali tayong dalawa magkasama
Writer(s): Aguilar Freddie Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out