Lyrics

Narinig ko na naman ang pangalan mo Kapag gan'to kadilim ang araw ko, ang liwanag mo ang kailangan ko Para makita ko ang nilalakaran ko Patungo sa puso mo kung sa'n nais kong maging tambayan ko Sabi nila, langit ka, lupa lang ako Kita ko ang sinag ng araw sa mga mata mo Ngayong gabi, sa mga bituin, makikisabay ako Baka sakaling pagbalik nila sa langit, mapalapit sa 'yo Kay sarap tingnan ng langit Kahit nakakangawit na (ngawit na) Buti, nandiyan ka Isang ngiti mo lang ay langit na (langit na, langit na) Ikaw ang bahaghari pagkatapos ng malakas na ulan Habang ako'y nakahiga, ikaw ang tanawin mula sa may damuhan Ang iyong buhok ay kakulay ng kalangitang may papalubog na araw Ako ay dahan-dahang nahuhulog na parang bulalakaw Sabi nila. langit ka, lupa lang ako Kumbaga, hinalo mo 'yung kanal sa pabango Ngayong gabi sa mga bituin, makikisabay ako Baka sakaling pagbalik nila sa langit, mapalapit sa 'yo Kay sarap tingnan ng langit Kahit nakakangawit na (ngawit na) Buti, nandiyan ka Isang ngiti mo lang ay langit na Kay sarap tingnan ng langit Kahit nakakangawit na (ngawit na) Buti, nandiyan ka Isang tingin mo lang ay langit na Ang bingi, nakarinig; ang bulag, nakakita muli; ang pilay ay nakalakad Ang pipi, nakapagsalita; baluktot, naging tuwid Ang pag-ibig, 'pag inisip, ito ay nasa puso 'Pag pinuso nasa isip, masisira lang ang ulo Sabi nila, langit ka, lupa lang ako Wala daw akong kapag-asa-pag-asa sa 'yo Ngayong gabi sa mga bituin, makikisabay ako Baka sakaling pagbalik nila sa langit, mapalapit sa 'yo Kay sarap tingnan ng langit Kahit nakakangawit na (ngawit na) Buti, nandiyan ka Isang ngiti mo lang ay langit na Kay sarap tingnan ng langit Kahit nakakangawit na (ngawit na) Buti, nandiyan ka Isang tingin mo lang ay langit na Naiwan ng tren, punuan ang jeep Laging nahuhulog sa sinasakyang trip Tumirik sa baha, laging pinapahinto Kaharap ko lagi ay saradong pinto Basang-basa ng ulan, walang payong Masungit 'ata ang tadhana sa 'kin maghapon Laging nasa hulihan ng pila Payuko na sana, tapos bigla kang nagpakita Buti na lang, nandiyan ka Buti na lang, buti na lang, nandiyan ka, sinta Buti na lang, nandiyan ka Buti na lang, buti na lang, nandiyan ka, sinta (Kay sarap tingnan ng langit) oh-whoa-oh, oh-whoa-oh-oh, oh-whoa-oh, oh-whoa-oh-oh Oh-whoa-oh, oh-whoa-oh-oh, oh-whoa-oh, oh-whoa-oh-oh (Kay sarap tingnan ng langit) oh-whoa-oh, oh-whoa-oh-oh, oh-whoa-oh, oh-whoa-oh-oh Oh-whoa-oh, oh-whoa-oh-oh, oh-whoa-oh, oh-whoa-oh-oh
Writer(s): Ron Joseph A. Henley Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out