Music Video
Music Video
Credits
PERFORMING ARTISTS
Jr Crown
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Chin Arce
Songwriter
Dan Leo Villanea
Songwriter
Adonis Magtangob
Songwriter
PRODUCTION & ENGINEERING
Jr Crown
Producer
Lyrics
(Chorus)
Kahit madalas na tayong 'di na magkasundo
Walang iba, ikaw pa rin ang ginugusto
Kaya magtiwala ka lang
Mahal 'di ko hahayaang magkalabuan
Tayong dalawa sa simpleng awayan
Pagkat ako'y sayo at akin ka lang
(1st verse)
Grabe napakalupet talaga ni kupido
Nahuli mo ang kiliti ng lalaking istupido
Nagseryoso dahil sa'yo ang puso kong dating bato
Nakita ko sarili ko sa piling mo, nagtatanong "Bakit ako?"
Yan ang palaging katanungan
Kalaunan natutunang mahalin ka ng lubusan
Kahit parang nung una sige laro lang ang lahat
Nagkatuluyan hanggang sa mapamahal na ng sagad
Sapagkat wala ng pwedeng pumalit pa sa'yo
Pag-ibig na di kayang tumbasan ng kahit ano
Dito sa ating mundo tanging ikaw at ako
Kaya't wag ng magtampo, ikaw lang ang gusto ko
Dahil pag-ibig mo'y walang kapalit
At walang kapantay
Oo mag-aaway lang pero hindi tayo maghihiwalay
(Chorus)
Kahit madalas na tayong 'di na magkasundo
Walang iba, ikaw pa rin ang ginugusto
Kaya magtiwala ka lang
Mahal 'di ko hahayaang magkalabuan
Tayong dalawa sa simpleng awayan
Pagkat ako'y sayo at akin ka lang
(2nd verse)
May kasalanan na naman
Ba 'kong nagawa para tingnan mo ng ganyan
Lagi namang inuunawa't pinagbibigyan
May nasasabi pa rin minsan ang sarap mo ng saktan
Syempre biro lang boss pag-utusan mo pa ko
Pag-ibig ko malaos ay lubos na malabo
'Di yan mag tatapos kahit halos pa ubos na ang pasensya
Ikaw lang ang iibigin ko pangako
Pakatandaan mo na sa'yo lang ako master,
Kaugali mo man yung manang dun sa kungfu hustle
Ikaw ang dahilan kaya nasasabihang under
Pero ayos lang ganito mag mahal ang body builder
Pwede bang h'wag ng patagalin pa
Pag may away na namamagitan sa'ting dalawa
Palawakin pa ang pang-unawa sa'kin laging magtiwala
Para sa'yo ay hahamakin ko kahit tadhana
(Chorus)
Kahit madalas na tayong 'di na magkasundo
Walang iba, ikaw pa rin ang ginugusto
Kaya magtiwala ka lang
Mahal 'di ko hahayaang magkalabuan
Tayong dalawa sa simpleng awayan
Pagkat ako'y sayo at akin ka lang
(3rd verse)
Kahit na anong mangyare pakatandaan
Na wala ng hahanapin pa ikaw lang ang laman
Madalas man na magtalo ay di magiging hadlang
Kahit ano pang maging dahilan wala ng ibang mas lalamang
Sapagkat ako ay kuntento na
Natuto na mula nung ikaw na ang aking makilala
Mahalin ka ng walang halong pangangamba
Kaya sinta kung pwede sana h'wag mag alala
Dahil ikaw ang naging dahilan kung ba't nabago
Dahil sa'yo ako ngayon ay nakasigurado
Muling nabuksan ang puso kong nakakandado
Noon dahil ayokong mapunta sa maling tao
Ikaw ang nagbigay kulay ng buhay sa tunay
Na pagmamahal mo na sa akin inialay
Ipinakita mong panghabambuhay kaagapay
Ka sa bawat laban kaya pangakong 'di mawawalay
(Chorus)
Kahit madalas na tayong 'di na magkasundo
Walang iba, ikaw pa rin ang ginugusto
Kaya magtiwala ka lang
Mahal 'di ko hahayaang magkalabuan
Tayong dalawa sa simpleng awayan
Pagkat ako'y sayo at akin ka lang
Kahit madalas na tayong 'di na magkasundo
Walang iba, ikaw pa rin ang ginugusto
Kaya magtiwala ka lang
Mahal 'di ko hahayaang magkalabuan
Tayong dalawa sa simpleng awayan
Pagkat ako'y sayo at akin ka lang
Written by: Adonis Magtangob, Chin Arce, Dan Leo Villanea


