Music Video

Featured In

Credits

PERFORMING ARTISTS
Young Weezy
Young Weezy
Performer
Jr Crown
Jr Crown
Performer
Kath
Kath
Performer
Cyclone
Cyclone
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Vincent Bautista
Vincent Bautista
Composer
Nathaniel Mendoza
Nathaniel Mendoza
Composer
Dan Leo Villanea
Dan Leo Villanea
Composer
Rawsmoov
Rawsmoov
Composer

Lyrics

Malayo ka man, mahal, lagi mong tandaan 'Di magbabago, pag-ibig ko'y sa 'yo lamang Magtiwala ka lang, tawid-dagat man ang pagitan nating dalawa 'Di 'yun makakahadlang kahit malayo ka man Mahal, kamusta ka na? Mag-iingat ka palagi, 'wag kang mag-alala 'Di man kita makasama ngayon pero hindi 'yun rason Para ako ay maghanap pa ng iba Sapagkat ako'y kuntento na, sa'yong-sa'yo lang ako Ikaw ang kukumpleto sa mundo ko at bumuo Kaya wala ng dahilan para ako'y magloko pa Sa babaeng na naging kabiyak na ng buhay ko kaya Magtiwala ka lang, lagi mong tatandaan Walang pagitan ang maari sa ating makahadlang Kahit malayo ka man, makakaasang Hanggang dulo, 'di ka papalitan Kaya mahal, magtiwala ka lang 'Di magbabago, pag-ibig ko'y sayo lang kahit malayo ka man Malayo ka man, mahal, lagi mong tandaan 'Di magbabago, pag-ibig ko'y sa 'yo lamang Magtiwala ka lang, tawid-dagat man ang pagitan nating dalawa 'Di 'yun makakahadlang kahit malayo ka man Dalawang puso ang pinana subalit pinaglayo Baka upang pagtibayin nang hindi na mabigo Hawak-kamay na kinapitan ang pangakong binuo Na kailanma'y 'di papatinag sa tuksong mapangbuyo Mapaglaro si Bathala, susubukin ang tatag Makasiguro lang na tayong dalawa ay tinadhana Kakayanin ang lahat, mapatunayan lang Pagmamahal ko lagi sa 'yo ay tapat Malayo man ating pagitan sa ngayon, 'wag umiyak Sapagkat magkakayakap pang muli, 'yan ang tiyak Palagi kang inaalala sa'n man dalhin ng yapak Ng aking mga paa, mananatili ang galak Ang galak na muli kang mahagkan at halikan Magkasamang susulitin ang kabilugan ng buwan Sa aking pagbabalik, sabay nating dudugtungan Ang ating kuwento ng pag-ibig na ating sinimulan Malayo ka man, mahal, lagi mong tandaan 'Di magbabago, pag-ibig ko'y sa 'yo lamang Magtiwala ka lang, tawid-dagat man ang pagitan nating dalawa 'Di 'yun makakahadlang kahit malayo ka man Mga araw at gabi na hindi kita katabi Nakakapanibago, 'di alam kung pa'no Pa'no ko makakayanan na hindi kita kasama Ang distansiya natin ay napakalayo Pa'no 'ko makakadayo? Kung pagitan natin, libo-libo na espasyo Matagal pa nga siguro na luminaw ang malabo Na ikaw ay makasama kahit nasa kabila ka mang ibayo Pero kahit na gano'n pa man Pakatandaan palagi na andito lang ako Sa'yo, nag-aantay, nakaabang Sa muli mong pagbalik kahit malayo man ating pagitan Ang bukod tangi kong ipapabaon sa iyo Tiwala at lubos ko na pagmamahal Libo mang kilometro agwat sa isa't-isa Sa aking puso ay mananatili pa ring espesyal Malayo ka man, mahal, lagi mo tandaan 'Di magbabago, pag-ibig ko'y sa 'yo lamang Magtiwala ka lang, tawid-dagat man ang pagitan nating dalawa 'Di 'yun makakahadlang kahit malayo ka man Kahit malayo ka man, 'di magbabago Sa'yong-sa'yo lang ang pag-ibig ko, 'di maglalaho Kaya 'wag kang mangamba at 'wag kang mag-alala 'Di ko babaliin ang sumpaan nating dalawa Maghihintay ako na muling makasama ka Malayo ka man, mahal, lagi mong tandaan 'Di magbabago, pag-ibig ko'y sa 'yo lamang Magtiwala ka lang, tawid-dagat man ang pagitan nating dalawa 'Di 'yun makakahadlang kahit malayo ka man Malayo ka man, mahal, lagi mong tandaan 'Di magbabago, pag-ibig ko'y sa 'yo lamang Magtiwala ka lang, tawid-dagat man ang pagitan nating dalawa 'Di 'yun makakahadlang kahit malayo ka man
Writer(s): Vincent Bautista, Nathaniel Mendoza, Dan Leo Villanea, Rawsmoov Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out