Music Video

Featured In

Credits

COMPOSITION & LYRICS
Thomas Lynmuel Francisca Mayacyac
Thomas Lynmuel Francisca Mayacyac
Songwriter

Lyrics

Teka, magkano ba yan, ba't parang talo naman Tinatantsa sa gaan o kinakapa pag nagkakasukatan Sanay yan sa kalakalan, dala lang ng kapakanan ng tama daw na nakakatakam Pag walang wala na ay para-paraan Pano Kapag salat na sa magkano habang naaatat pa lalo Hahanap ng aparato, anumang panapat sa gramo Na dahilan kung ba't ganado, pahirapan na ang magbago Kahit buto't balat na nga o maging patpat sa kakapalo Tila giyang na nga, madiin ang panga Palakad-lakad ang hindi mapigilang paa Palaging abala, hindi mapakali kapag walang ginagawa Na dilat ang mata at pinalalala ng tama na parang sya pa ang dinadala Kahit ang pagkabaon ay 'di na madama kung tila umaangat sa ilang baba Kaya sabik makalanghap, san ba nanggaling yang sangkap Malamang ay limpak-limpak ang mga salaping natatanggap Bagama't mga malaking isda man, 'di naman kayang malambat Kung madali nang mabili ang makapangyarihang kasabwat What Sino ba ang tunay na salarin Sino, sino Sino ba ang tunay na salarin Sino, sino Sino ba ang tunay na salarin Silang pumupuksa o baka sila-sila rin Sino ba ang tunay na salarin Sino, sino Sino ba ang tunay na salarin Sino, sino Sino ba ang tunay na salarin Silang pumupuksa o baka sila-sila rin Naturingan ka nang mainit, bakit pa tinatangkilik O sa maling nakasanayan, tawag ng tama ang namimilit Ngunit para san pang matamaan na parang malawak ang pag-iisip Kung ang marami nang nalalaman ang madalas na pinapatahimik 'Di mapigilang hayok, malabo nang makatanggi sa alok Inaabot ng hating-gabi, daig pa nagtitinda ng balot Nakakayamot na kahit maraming pinapanagot, bakit ganon Hanggang ngayon madumi ang tingin maging sa napatunayang gamot At anumang tino mo, mahirap magpakasiguro Sa panahong tinutuluyan maging kasalukuyan nang sumuko Kahit mali lang ang naturo o kung sa inosente napatutok ay ililibing na lang sa kasinungalingan na asunto Kung sa natitira na mabubuti pa, mananatili ang saludo Ngunit hindi sa mga pinahintulutan lang na mas naging abuso Kaya ingat sa halik ni hudas, baka ikaw na ang nginunguso Walang mau-mautak pag dinaan ka sa palit-ulo Pakituro Sino ba ang tunay mong kakampi Sino, sino Sino ba ang tunay mong kakampi Sino, sino Sa panahon ngayon, mag-ingat ka kasi Madali nang magturo tapos ang hirap tumanggi Sino ba ang tunay mong kakampi Sino, sino Sino ba ang tunay mong kakampi Sino, sino Sa panahon ngayon, mag-ingat ka kasi Madali nang magturo tapos ang hirap tumanggi Nakatikim ng sangkatutak Kaya pagkahumaling ay mas lumalim na at nakiki-usap Sa sandaling kaligayahan na kaya raw abutin ang ulap Katawan na nangangailan hanggang sa may bibigay na utak Pinipili ang piraso kung anong sa tingin nya ay panalo Sa patingi-tinging silyado na pinipisil pag pinapaso Tutuluyan pag ang puhunan ay 'di na nasisingil ng amo Baka bangkay na yang lulutang kapag ang utang naging atraso At kapalit lamang ng salto, yang buhay mo nakapusta Kung tatakbo't magtatago pa ay san ka magpupunta Kapag ang nag-aangkat ay palpak na magpakubra 'Yang mga nagbabagsak din naman ang magtutumba
Writer(s): Thomas Lynmuel Mayacyac Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out