Music Video

Featured In

Credits

COMPOSITION & LYRICS
Thomas Lynmuel Francisca Mayacyac
Thomas Lynmuel Francisca Mayacyac
Songwriter

Lyrics

Dalawampung taon, panahon na yata to ng pagtitino Nais ko lang ibahagi ang mga bibihira ko lang mai-kibo Mga alaalang Ginto sa anuman na naging kabanata nito Ang pag-ibig sa bawat ugnayan ang kayamanan na syang naitatabi ko Simula sa babaeng nagsabi sa akin na dapat ay manindigan ako Katwiran nyang wag mong pamamarisan ang pang-iiwan ng ama mo Maraming salamat sayo, paumanhin na rin kung napa-aga ako Eto ako't dala ko ang pangaral mo, karga ang mahal mong apo Wala mang haligi, lubos ang tyaga mo sa akin Sa paghalili nyo na parating nar'yan lang, maging sa mga t'yahin Sa lola at nobya kong nagtiis sa'king perwisyong kung susumahin Ay kasing dami rin ng sakripisyo nyong ang pasaway na to'y mas unawain Mga lumaking kasabay, pinsang-buong naghiwa-hiwalay Sa ngayong naghahagilap sa mundong magulo kung anong ikatitiwasay Ngunit ang nasa isip ko ay marating man ang hindi akalain Sa paglalakbay, nasa lilingunin pa rin ang magagandang tanawin Mga kababata, kasa-kasama at mga nakalaro kong kapwa pikon Maging sa mga nakilala ko sa paggawa ng mga maling desisyon Sa una kong subok, mga nakitawa at kakuntsabang naging saksi nung Paubo-ubo pa ko sa unang buga at pagsusuka ko sa unang inom Kapuyatan, laging konsumisyon sa mga tanod Mga kaklaseng kasabay kong umuwi pag tumatawid dun sa bakod Mga katrabahong kautangan at kapangakuan tuwing sahod Silang mga kasangga kong sa kalokohan, nagpapakapalan ng apog Mga kasindihan kong magdamo, kabilang na ang ilang 'di tumino Na sa dating halaman lang, nung nalasahan na ang kemikal 'Di na nagawa pang huminto Mga alok nyo man ay aking nabigo, nawa'y ipagpaumanhin ninyo Sa halip, tanawin nyo na pagkasagip ang naging kapalit ng pagtanggi ko At sa ngayon, kamustahan na lang, napabuti man o mas nalulong Tanguhan na lang sa mga pagkakataong sa daan ay magkakasalubong Dala ko pa rin ang naranasan ko no'n, marating man ang 'di akalain Higit sa destinasyon ay nasa paglingon pa rin ang magagandang tanawin Mga alaalang nasa litrato o mga imahe na nasa isip Baliktanaw kong tinatrato bilang mga buhay na panaginip Na kadalasan kong sinisilip sa mga oras na matahimik Tanging nananatili kong baon sa pabago-bagong paligid Marating man ang kaibuturan ng mga pangarap mong kinasasabikan Wag mong kakalimutan lahat ng nasa 'yong pinagmulang 'di mapapalitan Dahil ang iyong matututunan kung sakaling dumating ka sa kasawian Wala ka mang mapatunguhan ay mayroon ka namang mababalikan
Writer(s): Thomas Lynmuel Mayacyac Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out