album cover
Mama
8
Pop
Mama was released on May 7, 2021 by A-Team as a part of the album Mama - Single
album cover
Release DateMay 7, 2021
LabelA-Team
Melodicness
Acousticness
Valence
Danceability
Energy
BPM82

Credits

PERFORMING ARTISTS
Davey Langit
Davey Langit
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Davey Langit
Davey Langit
Songwriter
Therese Villarante
Therese Villarante
Songwriter

Lyrics

Ang isa at isa ay dalawa
Ang kulay ng mansanas ay pula
Sa 'yong pagpasok sa eskuwela, lagi mong tatandaan
Malimutan mo na ang lahat, huwag lang ang "Mahal kita palagi"
Huwag kang magmadali
Huwag sanang kaligtaan ang humalik sa 'king pisngi
Kahit lumalaki ka na, lagi pa ring tatandaan
Malimutan mo na ang lahat, huwag lang ang
"Mahal na mahal kita," palagi mong sambit
Oo, mahal kita, bawat pagitan ng saglit
Hindi magmamaliw paggiliw ko sa 'yo
Lumipas man ang ilang mga taon, hindi na namalayan
Nakatapos sa eskuwela, ang trabaho'y maganda
Kahit sana abala, paminsan ay tumawag ka
Malimutan mo na ang lahat, huwag lang ang "Mahal kita palagi"
'Yan ang pangako mo
Sa harap ng ating Diyos at sa napangasawa mo
Sa pagbuo ng 'yong pamilya, lagi pa ring tatandaan
Malimutan mo na ang lahat, huwag lang ang
"Mahal na mahal kita," palagi mong sambit
Oo, mahal kita, bawat pagitan ng saglit
Hindi magmamaliw paggiliw ko sa 'yo
Lumipas ngang muli ang panahon, Mama, ikaw ay tumanda
Dahan-dahan, mga alaala'y nalilimot mo na
Kahit pangalan ko kung minsa'y hindi mo na matandaan
Malimutan mo na ang lahat, huwag lang ang "Mahal kita"
Malimutan mo na ang lahat, huwag lang ang "Mahal kita"
Written by: Davey Langit, Therese Villarante
instagramSharePathic_arrow_out􀆄 copy􀐅􀋲

Loading...