Credits
PERFORMING ARTISTS
The Juans
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Carl Guevarra
Songwriter
RJ Cruz
Songwriter
Lyrics
Nakatingin na naman sa kawalan
Tinatago ang tunay na nararamdaman
Hangggang kailan ko 'to kakayanin?
Hanggang saan kita uunawain?
Pa'no ipaglalaban ang pagmamahal
Kung sa pananatili ay nasasakal?
Nahihirapan na ating mga damdamin
Hindi malaman kung pa'no aaminin
Naubos na ang luha at mga salita
Siguro'y 'di sapat aking pagmamahal
Ito na ba ang hinihintay
Ang pagwawakas ng paglalakbay?
Lahat nama'y ibinigay
Ngunit balewala lang, kaya paalam
Kailangan na yatang harapin
Na ito ay 'di para sa atin
Mahirap man na tanggapin
Hanggang dito lang tayo, ito na ang dulo
(Ang dulo, ito na ang dulo, whoa)
Bibitawan at palalayain ka
Kasama ang pangako't alaala
Ngunit hindi kita pipilitin
Hahayaan ko na lang ito'y 'yong mapansin
Naubos na ang luha at mga salita
Siguro'y 'di sapat aking pagmamahal
Ito na ba ang hinihintay
Ang pagwawakas ng paglalakbay?
Lahat nama'y ibinigay
Ngunit balewala lang, kaya paalam
Kailangan na yatang harapin
Na ito ay 'di para sa atin
Mahirap man na tanggapin
Hanggang dito lang tayo, ito na ang dulo
Gusto mang kumapit
Mahirap ipilit ang 'di para sa atin
Hihintayin ko na maramdaman mo
Ito na ang dulo
Ito na ba ang hinihintay
Ang pagwawakas ng paglalakbay?
Lahat nama'y ibinigay
Ngunit balewala lang, kaya paalam
Kailangan na yatang harapin
Ito ay 'di para sa atin
Mahirap man na tanggapin
Hanggang dito lang tayo, ito na ang dulo
Ang dulo (ito na ang dulo)
Hanggang dito lang tayo, ito na ang dulo
Writer(s): Carl Guevarra, Rj Cruz
Lyrics powered by www.musixmatch.com