Credits
PERFORMING ARTISTS
Up Dharma Down
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Carlos Tanada
Songwriter
Paul Yap
Songwriter
Armi Millare
Songwriter
Leandro Mayor
Songwriter
Lyrics
[Verse 1]
Tatakbo at gagalaw
Nag-iisip kung dapat bang bumitaw
Kulang na lang, atakihin
Ang paghinga'y nabibitin
[Verse 2]
Ang dahilang alam mo na
Kahit ano pang sabihin nila
Tayong dalawa lamang ang makakaalam
Ngunit ako ngayo'y naguguluhan
[Chorus]
Makikinig ba ako sa aking isip
Na dati pa namang magulo?
Oh, iindak na lamang sa tibok ng puso mo
At aasahan ko na lamang na
Hindi mo aapakan ang aking mga paa
Pipikit na lamang at magsasayaw
Habang nanonood siya
[Verse 3]
Paalis , pabalik
May baong yakap at suklian ng halik
Papaalam at magsisisi
Habang papiglas ka, ako sa'yo ay tatabi
[Verse 4]
Tayong dalawa lamang ang nakakaalam
Ngunit hindi na matanto
Kung sino nga ba ang pagbibigyan ko
[Chorus]
Makikinig nga ba sa isipan na alam ang wasto
Ngunit pipigilan ang pag-ibig niya na totoo
Iindak na lamang ba sa tibok ng puso mo
At aasahan kong hindi mo lamang
Aapakan ang aking mga paa
Pipikit na lamang at magsasaya
Habang nalulungkot ka
Pipikit na lamang at magsasaya
Habang nalulungkot ka
[Outro]
Ako'y litong, lito, tulungan niyo ako
'Di ko na alam kung sino pang aking pagbibigyan, oh
Ayoko na nang ganito
Ako ay litong, lito, oh, woah
Written by: Armi Millare, Carlos Tanada, Leandro Mayor, Paul Yap