Lyrics

Sa hindi inaasahang Pagtatagpo ng mga mundo May minsan lang na nagdugtong Damang-dama na ang ugong nito 'Di pa ba sapat ang sakit at lahat Na hinding-hindi ko ipararanas sa 'yo? Ibinubunyag ka ng iyong matang Sumisigaw ng pagsinta Ba't 'di papatulan ang pagsuyong nagkulang? Tayong umaasang hilaga't kanluran Ikaw ang hantungan, at bilang kanlungan mo Ako ang sasagip sa 'yo, whoa-oh Sa'n nga ba patungo? (Saan nga ba patungo?) Nakayapak at nahihiwagaan Ang bagyo ng tadhana ay Dinadala ako sa init ng bisig mo Ba't 'di pa sabihin ang hindi mo maamin? Ipauubaya na lang ba 'to sa hangin? 'Wag mong ikatakot ang bulong ng damdamin mo Naririto ako't nakikinig sa 'yo Oh-whoa, oh-whoa, oh-whoa, oh Oh-whoa, oh-whoa, oh-whoa Oh-whoa, oh-whoa, oh, oh-whoa Oh-whoa, oh-whoa
Writer(s): Ean Mayor, Armi Millare, Carlos Tanada, Paul Yap Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out