Credits
PERFORMING ARTISTS
Yeng Constantino
Lead Vocals
Josephine Constantino
Lead Vocals
COMPOSITION & LYRICS
Josephine Constantino
Songwriter
Lyrics
[Verse 1]
Sumakay ako sa jeepney
Ikaw ang nakatabi 'di makapaniwala
Parang may hiwagang nadama
Nang tumama sa'yo ang aking mga mata
At nagsiksikan na dahil tumigil ang jeepney
Sa tapat ng eskuwela, biglang nagkadikit
Puso ko'y biglang sumikip at natulala
[PreChorus]
Sabi nila'y walang hiwaga
Kung wala'y, ano itong nadarama?
[Chorus]
Ayoko nang pumara, kahit sa'n mapunta
Ayoko nang pumara, kung ikaw ang kasama
Ayoko nang pumara, ayoko nang pumara
Ayoko na, ah-ah
Ayoko nang pumara, kahit sa'n pa lumiko
Ayoko nang pumara, sana 'di na huminto
Ayoko nang pumara, ayoko nang pumara
Ayoko na kung ikaw ang kasama
Ah-ah, ah-ah, ah
[Verse 2]
At may biglang sumingit
Natyempo pa sa'ting gitna
Sumimangot tuloy ang aking mukha
Mabuti nalang nagbayad yung ale
Sabi nya, paabot naman
Nagkadahilan ako para ika'y tignan
Nung iaabot ang bayad
Kamay mo na palang nakaabang
Pambihira di'ba? Swerte ko naman
[PreChorus]
Sabi nila'y walang pag-ibig
Kung wala'y, ba't kumakaba itong dibdib?
[Chorus]
Ayoko nang pumara, kahit sa'n mapunta
Ayoko nang pumara, kung ikaw ang kasama
Ayoko nang pumara, ayoko nang pumara
Ayoko na, ah-ah
Ayoko nang pumara, kahit sa'n pa lumiko
Ayoko nang pumara, sana 'di na huminto
Ayoko nang pumara, ayoko nang pumara
Ayoko na, kung ikaw ang kasama
[Bridge]
Manong driver
'Wag mo nang ibalik ang sukli ko
Manong driver
'Di mo ba alam walang babaan 'to?
Drive lang po ng drive, 'wag niyong hihinto
Kahit sa'n mapadpad, kahit lumipad pa tayo
Minsan lang madama ang ganito
[PreChorus]
Pero bigla mong hinila yung tali
Sabi mo, manong bababa ako sandali
[Chorus]
Ayoko nang pumara, kahit sa'n mapunta
Ayoko nang pumara, kung ikaw ang kasama
Ayoko nang pumara, ayoko nang pumara
Ayoko na, ah-ah
Ayoko nang pumara, kahit sa'n pa lumiko
Ayoko nang pumara, sana 'di na huminto
Ayoko nang pumara, ayoko nang pumara
Ayoko na
[Chorus]
Ayoko nang pumara, kahit sa'n mapunta
Ayoko nang pumara, kung ikaw ang kasama
Ayoko nang pumara, ayoko nang pumara
Ayoko na, ah-ah
Ayoko nang pumara, kahit sa'n pa lumiko
Ayoko nang pumara, sana 'di na huminto
Ayoko nang pumara, ayoko nang pumara
Ayoko na, kung ikaw ang kasama
Ah-ah, ah
Ah-ah, ah
Ah-ah, ha-ah
Ah-ah, ah
Written by: Josephine Constantino, Yeng Constantino