album cover
Baka
11
Hip-Hop/Rap
Baka was released on August 25, 2023 by 2641428 Records DK as a part of the album Panalo Kasa
album cover
Release DateAugust 25, 2023
Label2641428 Records DK
Melodicness
Acousticness
Valence
Danceability
Energy
BPM96

Credits

COMPOSITION & LYRICS
Thomas Lynmuel Mayacyac
Thomas Lynmuel Mayacyac
Songwriter

Lyrics

Palihim na nakatanaw yung nakamasid sa maling galaw, hmm
Matalas, matalim parang balarao kung usapang pandinig at balintataw
Unahang makibalita't makikantsaw, humusga ay madali na lang
'Nakanamputa wala na ring pake basta tama raw yung mga sabi-sabi kahit baka lang, hmm
Mga pahayag dyan na puro lamang kababalaghan ang kabulaanan
Umaakma ngang may pakpak ang balita na minsan ay manananggal ng katotohanan
Madali nang makuha mga kuru-kuro na nanggaling sa duda
Dumidirekta sa hula, narinig sabay ulat
Tsismis nga siguro ang syang tema ng luga kung may tenga ang lupa
Lahat hinahalukay para ungkatin, bawas ang totoo at dagdagan ng malagim
Mga istoryang kulang ay manipulahin, sa pandodoktor naglalabasan ang galing
Pag masakit ang tunay, ayaw punahin, bawal isigaw, 'wag na lang daw palabasin
Kapag bulung-bulungan naman ang usapin, bakit kung saan-saan pa nakakarating?
Malakas ang mga agam-agam, marahas kapag nagpaparatang
Pangahas na bagamat baka lang, agad-agad pagpapasa-pasahan
Pag mataas-taas na ang pangalan, mas magandang paksa at kasangkapan
Kaya ang haka-haka na naglalabasan ay parang baka na nagagatasan
Palihim na nakatanaw yung nakamasid sa maling galaw, hmm
Matalas, matalim parang balarao kung usapang pandinig at balintataw
Unahang makibalita't makikantsaw, humusga ay madali na lang
'Nakanamputa wala na ring pake basta tama raw yung mga sabi-sabi kahit baka lang, hmm
Tagpi-tagping detalye, tahi-tahing sinalin
Tila hati-hati na salita ang sinasabi
Akma rin na wala ngang pasintabi
Makapagsaliksik lang, handang makisiksik at makisali
Nakatiktik na parating lumilikha ng butas sumisira, pumupuslit ang dila
Kahit ga'no kapribado, pakubli na sumisipat
Magaling nga manghimasok ang masusi umusisa
Basta may intriga, bukas ang pandinig, sa pansin ay umaagaw parang sipol na tunog
Minsan ay hindi na humahanap ng pruweba, tumutuon na lang sa nanghihimok na kutob
Kasinungalingan ang sumasarang kadena sa utak, pag tuluyan nang naipon sa loob
Yan ay parang hangin na bumabara sa tenga pag ang katotohanan ay hindi mo malunok
Malakas ang mga agam-agam, marahas kapag nagpaparatang
Pangahas na bagamat baka lang, agad-agad pagpapasa-pasahan
Pag mataas-taas na ang pangalan, mas magandang paksa at kasangkapan
Kaya ang haka-haka na naglalabasan ay parang baka na nagagatasan
Palihim na nakatanaw yung nakamasid sa maling galaw, hmm
Matalas, matalim parang balarao kung usapang pandinig at balintataw
Unahang makibalita't makikantsaw, humusga ay madali na lang
'Nakanamputa wala na ring pake basta tama raw yung mga sabi-sabi kahit baka lang, hmm
Palihim na nakatanaw yung nakamasid sa maling galaw, hmm
Matalas, matalim parang balarao kung usapang pandinig at balintataw
Unahang makibalita't makikantsaw, humusga ay madali na lang
'Nakanamputa wala na ring pake basta tama raw yung mga sabi-sabi kahit baka lang, hmm
Written by: Thomas Lynmuel Mayacyac
instagramSharePathic_arrow_out􀆄 copy􀐅􀋲

Loading...