Lyrics

Ako ang naglatag ng hagdanan bago ka nakapanhik Ang nagpatag ng daanan bago ka nakatawid Di mawawala kahit ang panahon ay magpalit Papunta ka pa lang pangwalo ko nang balik Napakapait kahit magpakabait (uh) Kadalasan kung itrato napakasakit (uh) Pilit ginagaya't pinaplano madaig Parang tatay ng mga ingratong magkakapatid Nagpakamanhid sa mga tirang padaplis Di rin basta nagpapadala sa dilang matamis Pambihira ang bangis, tindigan at ng charisma Partida di pa yan napapahiran ng langis Beterano ang galawan, malinis kung kumitil Mahusay kung kumilatis at marunong pumisil (uh) Kung sasagot ka sakin sa dulo dapat may ser Di tayo magkapareho matuto kang lumebel! Di tayo pantay Halik sa singsing! Magmano ka sabay Halik sa singsing! Ako ang iyong itay Halik sa singsing! Magmano ka sabay Halik sa singsing! Di tayo pantay Halik sa singsing! Magmano ka sabay Halik sa singsing! Ako ang iyong itay Halik sa singsing! Halik sa singsing! Halik sa singsing! Ako naglatag ng hagdanan bago ka nakapanhik Ang nagpatag ng daanan bago ka nakatawid Sa ganitong kultura di alam ang kalakip Nitong mga gamu-gamo na sa apoy nagmamasid Di to paingayan ng mga kanta sa net O paramihan ng karangalang makakamit O pabilisan sa karera, sa eksena sa halip Patibayan 'to ng tuhod sa bundok na matarik Di mo nabatid? Dami mong kalaban Hindi ka babayaran kung walang palakpakan Yung mga kritiko na maraming nalalaman At yung mga negosyanteng gagawin kang kasangkapan Sa butas ng karayom dadaan ang kapalaran Paghawak sa mikropono ay simula pa lamang 'Pagkat madali magrap at sumampa sa tanghalan Ngunit uubra ka ba kung usapan ay patagalan? Di tayo pantay Halik sa singsing! Magmano ka sabay Halik sa singsing! Ako ang iyong itay Halik sa singsing! Magmano ka sabay Halik sa singsing! Di tayo pantay Halik sa singsing! Magmano ka sabay Halik sa singsing! Ako ang iyong itay Halik sa singsing! Halik sa singsing! Halik sa singsing! Mga ginoo at ginang Nais ko pong magbigay-pugay Sa mga senyor at mga senyora Na nauna sa'kin Simulan natin kay Francis Magalona Andrew E, Michael V, Gloc 9 at Apoka Urban Flow, Arbiewon, Mastaplann, BB Clan Legit Misfitz, Ghetto Doggs (version one) Denmark, Kulay, MC Lara, Lady Di Bass Rhyme Posse, 4Eastflava, DFT SVC, Madd Poets, Dcoy, Pamilya D M.O.D., Chill, Artstrong, Trilogy Death Threat, Syke, Oblaxz, Mastershock Mikerapphone, Konflick, El Latino, Anthill Mobb Chinese Mafia, Down Earf, Nastymack Ang sarap sana ipagsama sa isang posse track Pasensya di kumpleto di ko nabanggit lahat Sila ang mga nakatatanda kong kapatid sa rap Salamat sa mga ambag at mga kantang tumatak Hayaan nyong alayan ko kayo ng mga bulaklak Di tayo pantay Halik sa singsing! Magmano ka sabay Halik sa singsing! Ako ang iyong itay Halik sa singsing! Magmano ka sabay Halik sa singsing! Di tayo pantay Halik sa singsing! Magmano ka sabay Halik sa singsing! Ako ang iyong itay Halik sa singsing! Halik sa singsing! Halik sa singsing!
Writer(s): Marlon Peroramas, Ralph Dela Fuente Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out