album cover
Tanda (Live)
album cover
Tanda (Live) was released on October 10, 2025 by Viva Records as a part of the album TAWID (Live)
October 10, 2025
LabelViva Records
BPM64
Melodicness
Acousticness
Valence
Danceability
Energy

Lyrics

May bago na naman akong puting buhok
Hindi ko na mabilang kung ilang taon
Na ba akong ganito
Nalilito pa rin kung ano ba ang pakay ko
Dito sa mundong ito
Balang araw 'di na matatandaan ang nakaraan
Araw-araw unti-unting malilimutan
Pinagdaanan nating dalawa
Kahit na pigilin
Patuloy lang na mawawala
Darating sa ating pagtanda
Tayong lahat ay magiging alikabok
Tanong ko "para sa’n lahat ng pagsubok"
Siguro ay para mag-iwan ng marka
Bago tayo tumanda
At kalaunang mawala
Balang araw 'di na matatandaan ang nakaraan
Araw-araw unti-unting malilimutan
Pinagdaanan nating dalawa
Kahit na pigilin
Patuloy lang na mawawala
Darating sa ating pagtanda
Balang araw matututunang
Tanggapin ang kasalukuyan
Ayaw kong palagpasin
Ang natitirang oras nating dalawa
Kahit na pigilin
Patuloy lang na mawawala
Darating sa ating pagtanda
Written by: Chael Adriano
instagramSharePathic_arrow_out􀆄 copy􀐅􀋲

Loading...