album cover
Pintuan
1
Hip-Hop/Rap
Pintuan was released on December 13, 2023 by Sony Music Entertainment as a part of the album Pintuan - Single
album cover
Release DateDecember 13, 2023
LabelSony Music Entertainment
Melodicness
Acousticness
Valence
Danceability
Energy
BPM95

Music Video

Music Video

Credits

PERFORMING ARTISTS
Den-O
Den-O
Performer
Erica Banzuelo
Erica Banzuelo
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Jayson B. Lopez
Jayson B. Lopez
Composer

Lyrics

Araw-araw ako’y nagmamasid sa bintana,
Nakaabang sa isang diwata na tila tala.
Di ko inakala na
Mapapatingin ka sa taas kung saan nakadungaw ako,
Napapailing at napakalakas ng dating, nauuhaw sa’yo.
Alam ko naman na kulang pa ’to,
Ayaw ko lang na magkusa sa’yo,
Kasi baka may iba na mas higit pa.
Takot masaktan ang pusong bato.
Pangako sa’yo, sa piling ko masaya.
Ngunit isang tanong, may pag-asa pa ba?
Sobrang ganda, napapanga-nga.
Laging tulala kapag nanjan ka na.
Pagdating sa pag-ibig ay di pa pulido,
Medyo bagito,
Jusmiyo,
Nawala sa wisyo
Sa mga ngiti mong napaka-solido,
Natotorpedo.
Di mo ba alam?
Ako’y nandito lang,
Nagmamasid sa’yo.
Sa pintuan n’yo
Ako’y nakaabang lang,
Umaasang
Ika’y masisilayan.
Kung sakaling mapapasakin ang natatanging pangako,
Ay liligawan ka araw-araw, mamahalin ka pa lalo.
Ika’y pangarap na napakataas at di ko kayang maabot ngayon,
Kung pagbibigyan mo, aabangan ang mahabang panahon.
’Wag kang matakot sa’kin, ('wag) di kita sasaktan.
Sa ayaw mo man o sa gusto, ako’y palagi lang nandiyan.
Nakaabang, nagmamatiyag,
Lahat ay alam, pinagmamasdan
Ang bawat galaw mo na tila
Apoy ng kandila—kahit ano, makasama ka lang.
Di mo ba alam?
Ako’y nandito lang,
Nagmamahal sa’yo.
Sapintuan n’yo
Ako’y nakaabang lang,
Umaasang
Ika’y masisilayan.
Sa pintuan n’yo
Ako’y nakaabang lang,
Umaasang
Ika’y masisilayan.
Maghapon, magdamag, nakaabang,
Lumabas ka sa pintuan
Malapit nang bumuhos ang ulan at ako'y
walang masisilungan
Maghapon, magdamag, nakaabang,
Lumabas ka sa pintuan
Malapit nang bumuhos ang ulan at ako'y
walang masisilungan
Maghapon, magdamag, nakaabang,
Lumabas ka sa pintuan
Malapit nang bumuhos ang ulan at ako'y
walang masisilungan
Maghapon, magdamag, nakaabang,
Lumabas ka sa pintuan
Maghapon, magdamag, nakaabang,
Lumabas ka sa pintuan
**Bridge:**
Di mo nga alam
Na ako’y nandito lang,
(Ako'y naka-abang lang)
Nagmamahal sa’yo...
Written by: Jayson B. Lopez
instagramSharePathic_arrow_out􀆄 copy􀐅􀋲

Loading...