album cover
Sapatos
Hip-Hop/Rap
Sapatos was released on April 6, 2024 by Sony Music Entertainment as a part of the album Sapatos - Single
album cover
Release DateApril 6, 2024
LabelSony Music Entertainment
Melodicness
Acousticness
Valence
Danceability
Energy
BPM103

Music Video

Music Video

Credits

PERFORMING ARTISTS
Den-O
Den-O
Performer
Sly
Sly
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Jayson B. Lopez
Jayson B. Lopez
Composer
PRODUCTION & ENGINEERING
Marlonne Ibayan
Marlonne Ibayan
Producer

Lyrics

Mula pagkabata’y kinahiligan,
Pinag-aralan, pinag-isipan.
Kahit na maliitin man ng kapaligiran,
Nandiyan pa rin naman ang mga kaibigan
Na handang makinig anumang bukambibig.
Kaya masyadong ganado manalo, ang kaso—
Marami talagang mga tao
Na ayaw kang makita sa mga ginagawa mo.
Di ko malaman kung bayawak ba o alimango.
Kabisado nila ang mga mali mo,
’Yung tipong susundan sa’yo kahit pa anino.
Kung kayo kaya nandito at ako’y nandiyan,
Kakayanin n’yo kayang kayanin ang pakiramdam
Ng maiwanan ng taong mahalaga sa aking puso?
Mahapding paglisan, sa langit nakaturo.
Sadyang nakakadurog na karanasan,
Kaya lahat ng nandiyan pa ay pahalagahan.
Kung ikaw ang lumagay sa sapatos ko,
Maraming mga bagay malalaman mo.
Matapakan ng mgamapangmata
Habang nais ko lang naman ay
Maging masaya.
Kung ikaw ang lumagay sa sapatos ko,
Paano mo kaya kakayanin ’to?
Masaktan at palaging tandaan,
Mas magandang magparaya ka na lang
Para sa kapakanan ng iba.
Laman ng puso ng bawat isa’ykay hirap alamin,
At mga paningin na di kayang pagpantayin.
Maging mapagmatiyag ka lang at ’wag paghambingin,
Dahil kahit mapurol, kaya pa ring patalimin.
Kasi nga, di n’yo naman dinaanan bawat lubak
Na ngayon ay tinatahak, walang balak isumbat
Kahit kanino man, bagkus utang na loob
Sa kaibigan at pamilya itong bawat tunog.
Mga panalangin dati kailanma’y di lumubog
Na sana balang araw makinig, mapanood ng
Mga tao ang mensahe
Kada linyang sinasabi,
Pangakong bawat bara’y nilathala ang detalye.
Anumang maging imahe namin para sa inyo,
Di niyan mahahadlangan bawat panaginip ko.
Kahit pa ipilit mong baduy ang aking paraan,
Mananatili sa likod ng mga linyang malaman.
Anuman ang pamantayan mo bilang nilalang,
Sa mata ng Itaas iisa ang bawat timbang.
At ’wag magpalinlang—kapalan lang ang mukha mo
Pagka’t sa larong ito dapat matatag ang braso.
Paalala nga pala para sa mapangmata na tao,
Sana’y magising ka na sa mga ginagawa mo.
Imbes manlait ka r’yan, patuloy ka na magtrabaho
Dahil ang panghuhusga’y di mo mauulam sa plato.
Kung ikaw ang lumagay sa sapatos ko,
Maraming mga bagay malalaman mo.
Matapakan ng mga mapangmata
Habang nais ko lang naman ay
Maging masaya.
Kung ikaw ang lumagay sa sapatos ko,
Paano mo kaya kakayanin ’to?
Masaktan at palaging tandaan,
Mas magandang magparaya ka na lang
Para sa kapakanan ng iba.
Kung ikaw ang lumagay sa sapatos ko,
Maraming mga bagay malalaman mo.
Matapakan ng mga mapangmata
Habang nais ko lang naman ay
Maging masaya.
Kung ikaw ang lumagay sa sapatos ko,
Paano mo kaya kakayanin ’to?
Masaktan at palaging tandaan,
Mas magandang magparaya ka na lang
Para sa kapakanan ng iba.
Written by: Jayson B. Lopez
instagramSharePathic_arrow_out􀆄 copy􀐅􀋲

Loading...