album cover

ILAW

27,718Pop2026
album cover
ILAW was released on March 27, 2026 by Sony Music Entertainment as a part of the album Wakas At Simula
ReleasedMarch 27, 2026
LabelSony Music Entertainment
BPM65
Melodicness
Acousticness
Valence
Danceability
Energy

Lyrics

[Verse 1]
Kanina ay nahuli ang aking sarili
Nakangiti na naman at nagkukubli
Ng tunay na kailanman ay 'di ko maipagsasabi
Na naman, na naman
[Verse 2]
At pagdating sa'king tahanan ay hindi
Ko na naman mahanap aking susi
Saang lupalop ko ba 'to naitabi?
Pasintabi, na naman, na naman
[PreChorus]
Nalilito, nahihilo na sa inyo
Nasaan na nga ba ang sarili kong pagkatao?
[Chorus]
Sino bang may tenga sa mga bulong ko?
Kahit pa ko'y sumigaw ay malabo, oh
Ah, tao po, pakinggan niyo naman ako
Bakit 'di niyo subukang buksan ang bukas namang pinto?
Nang tuluyan nang makita niyo tunay na ako
'Di nagtatago sa likod ng bumubulag na ilaw na 'to
[Verse 3]
Napapamuni-muni sa kawalan ng huni
'Di mapapirmi aking sarili
Ilaw nga ang dahilan
Kung ako ngayo'y nasa'n man
Ngunit kailangan kong magpahinga
Patayin ang ilaw pansamantala, oh
[PreChorus]
Bakit gan'to? Inakalang magbabago
Kabayaran ba nito'y sarili ko'y maglalaho?
[Chorus]
Sino bang may tenga sa mga bulong ko?
Kahit pa ko'y sumigaw ay malabo, oh
Tao po, pakinggan niyo naman ako
Bakit 'di niyo subukang buksan ang bukas namang pinto?
Nang tuluyan nang makita niyo tunay na ako
'Di nagtatago sa likod ng bumubulag na ilaw na 'to
[Verse 4]
Heto na naman ako, patungo sa presinto
Mag-iisip ng kung ano, ano
Kailan bang laya ko dito?
[Verse 5]
Heto na naman ako
Puwede bang ipagpaliban muna nang isang linggo?
Puwede muna bang hinto?
[Verse 6]
Papalapit na ako'y papalapit na
Bigat sa yabag ng bawat hakbang nitong paa
Patungo sa lugar kung sa'n ayaw kong pumunta
Wala na bang iba? Wala na ba?
Patuloy ang aking paghahanap sa pag-asa
Ngunit walang saysay pa ang pagmamakaawa
Ano pa ba ang kabuluhan nitong aking paghinga? Ah
[Bridge]
Sino? Sino? Sino? Mm
[Chorus]
Sino bang may tenga sa mga bulong ko?
Kahit pa ko'y sumigaw ay malabo, malabo, malabo
Sino bang may tenga sa mga bulong ko?
Kahit pa ko'y sumigaw ay malabo, oh
Ah, tao po, pakinggan niyo naman ako
Bakit 'di niyo subukang buksan ang bukas namang pinto?
Nang tuluyan nang makita niyo tunay na ako
'Di nagtatago sa likod ng bumubulag na ilaw na 'to
[Outro]
Ooh, ooh, ooh
Written by: John Paulo Nase (RADKIDZ), Joshua Daniel Nase (RADKIDZ)

Shazam Footer

Select language:
Google Play Store
Apple App Store
Chrome Web Store
Galaxy Store

Follow Us

Loading...