Lyrics

'Di ko alam ang mararamdaman Nang mawala ka at ako'y nag-iisa Hanggang ngayon, 'di ka nawawala Dito sa isip ko, ika'y mahalaga Ngunit paano na lang ako Kung mawawalay ka lang? Dinggin mo ako Nagsusumamo sa iyo Muli mong pagbigyan ang puso kong ito Naghihintay na maalala mong para lang sa 'yo ang pag-ibig ko Nasa'n ka man, sana ay maramdaman Ako'y nandirito, umaasa lang sa 'yo Kahit saan ako mapunta Alaala mo'y hindi nawawala Nais ko mang ika'y mahagkan Sa panaginip ko na lang malalaman Ngunit paano na lang ako Kung mawawalay ka lang? Dinggin mo ako Nagsusumamo sa iyo, ooh Muli mong pagbigyan ang puso kong ito Naghihintay na maalala mong para lang sa 'yo ang pag-ibig ko Nasa'n ka man, sana ay maramdaman Ako'y nandirito at umaasa lang sa 'yo Muli mong pagbigyan ang puso kong ito Naghihintay na maalala mong para lang sa 'yo ang pag-ibig ko Nasa'n ka man, sana ay maramdaman Ako'y nandirito, umaasa lang sa 'yo Ta-ra-ra-ra Ta-ra-ra-ra-ra-ra-ra
Writer(s): Cantong Rey Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out