Lyrics

Ikaw at ako, pinagtagpo Nag-usap ang ating puso Nagkasundong magsama habang-buhay Nagsumpaan sa Maykapal Walang iwanan, tag-init o tag-ulan Haharapin bawat unos na magdaan Sana'y 'di magmaliw ang pagtingin Kay daling sabihin, kay hirap gawin Sa mundong walang katiyakan Sabay natin gawing kahapon ang bukas Ikaw at ako, pinag-isa Tayong dal'wa, may kanya-kanya Sa isa't-isa, tayo ay sumasandal Bawat hangad, kayang abutin Sa pangamba'y 'di paaalipin Basta't ikaw, ako, tayo magpakailanman Kung minsan ay 'di ko nababanggit Pag-ibig ko'y 'di masukat ng ano mang lambing At kung magkamali akong ika'y saktan Puso mo ba'y handang magpatawad 'Di ko alam ang gagawin kung mawala ka Buhay ko'y may kahulugan tuwing ako'y iyong hagkan Umabot man sa 'ting huling hantungan Kapit-puso kitang hahayaan Ngayon at kailanman Ikaw at ako
Writer(s): Titus John D. Monterde Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out