Lyrics

Noong bata ka pa, si Darna ang ginagaya Minsan nama'y nagbebestida Maging sa laruan, manika ang napag-trip-an Ayaw mo ng baril-barilan 'Di ka nila sinasali Hindi ka raw tunay na lalaki Gusto ng tatay mo na ika'y magsundalo Pero babae ang puso mo Kahit lunurin ka, wala ring napala sila No'ng sabi mong ika'y sirena 'Wag kang mag-alala Matatanggap ka rin nila At kahit na ano pa ang gusto mo Basta wala ka pang tinatapakan na tao Ituloy mo lang ito Ang mahalaga, ikaw ay masaya 'Wag mong intindihin ang sasabihin ng iba Sila ang may problema Walang pumapansin sa natatangi mong galing Mas madalas ka pang laitin 'Pinapakita mo na may silbi ka sa mundo Ngunit walang rumerespeto Lagi na lang isipin Sila na lang ang unawain At kahit na ano pa ang gusto mo Basta wala ka pang tinatapakan na tao Ituloy mo lang ito Ang mahalaga, ikaw ay masaya 'Wag mong intindihin ang sasabihin ng iba Sila ang may problema 'Wag kang mag-alala Matatanggap ka rin nila At kahit na ano pa ang gusto mo Basta wala ka pang tinatapakan na tao Ituloy mo lang ito Ang mahalaga, ikaw ay masaya 'Wag mong intindihin ang sasabihin ng iba Sila ang may problema At kahit na ano pa ang gusto mo Basta wala ka pang tinatapakan na tao Ituloy mo lang ito Ang mahalaga, ikaw ay masaya 'Wag mong intindihin ang sasabihin ng iba Sila ang may problema Silang lumalait, silang mahilig manakit Sila'ng 'di pupunta sa langit Silang nanglalait, silang mahilig manakit Sila'ng 'di pupunta sa langit
Writer(s): Manuel R. Palomo Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out