album cover

Martilyo (feat. Dex)

928Hip-Hop/Rap2008
album cover
Martilyo (feat. Dex) was released on July 28, 2008 by Musiko as a part of the album Matrikula
ReleasedJuly 28, 2008
LabelMusiko
BPM151
Melodicness
Acousticness
Valence
Danceability
Energy

Music Video

Music Video

Lyrics

[Chorus]
Dito sa amin kung san nang galing
Mga makatang ulam at kanin
Lamang ang bayad pero pumapayag
Upang masubukan at mapatunayan
Lagi mong tatandaan, ganito
Lamang ang dapat na ginagawa mo
Huwag mong palalampasin ang pagkakataon
Kailangang pukpokin ang pako para bumaon
Woah-oh, woah-oh-oh, woah-oh, oh-oh-oh
[Verse 1]
Narito nang muli ang isang taong
Di nag atubili na aking mabago ang
Yong pag tingin sa mga taong humahawak ng
Mikropono kahit maputik ay humahakbang
Lumalakas sa bawat pawis na pumapatak
Bawat tunog ng palakpak saki'y tumatatak
Pero di tumataas aking mga paa
Nakatungtong sa lupa dahil alam ko na
[Verse 2]
Ako'y nasa Pinas, may pila sa bigas
Ilan lang ang sikat na bulsa'y di butas
Para di mautas dapat ay matigas
Ang yong mukha kahit pano'y matikman ang
Katas ng ubas ang problema'y lutas
May maayos na tela, maong di kupas
Ang sabi mo sakin ay hindi ko na makakaya
Pang habulin mga pangarap
Ay ipunin at pagkatapos ay higupin
Higupin ng higupin parang baso na may yelo
Ilan pa bang salita ang dapat kong banggitin
Na laging bumobwelo, bueno
Yaman din lamang na kayo'y narito na
Sige pakinggan ang bagong nasulat kong kanta, hoy
[Chorus]
Lagi mong tatandaan
Ganito lamang ang dapat na ginagawa mo
Huwag mong palalampasin ang pagkakataon
Kailangang pukpukin ang pako para bumaon
Hindi mo kayang pigilan
Hindi mo kayang galusan
Ang puso kong balot ng bakal
Na patuloy, patuloy sa pag tibok
[Verse 3]
Humihinga kahit amoy bulok
Walang tigil sa pag subok kahit parang gabuhok
Lang ang posibilidad mula sa murang edad
Sa pawis laging babad
Kumakayod sa syudad akinse o atrenta, kilo o delata
Kanin na mas mura pa ang CD na pirata
Ng bata na si Pollisco si Gloc ba kamo mismo
Bawat plema ng pangungutya ay tiniis ko
[Verse 4]
Listo pa rin kahit na inaantok
Baka may mapanaginipan akong kanta na patok
Sa masa na para bang ito'y nag sisilbing pang lunas
Di maalis parang sibuyas kahit na ika'y mag hugas ng kamay
Gamit ang baretang sabon ni inay
Bawat salitang ginagamit ang isip moy tinatangay
Ng tula ko tandaan wala pang nagbabago
Kapag pinalo ng martilyo lulubog ang pako
[Chorus]
Dito sa amin kung san nang galing
Mga makatang ulam at kanin
Lamang ang bayad pero pumapayag
Upang masubukan at mapatunayan
Lagi mong tatandaan
Ganito lamang ang dapat na ginagawa mo
Huwag mong palalampasin ang pagkakataon
Kailangang pukpokin ang pako para bumaon
Woah-oh, woah-oh-oh, woah-oh, oh-oh-oh
Written by: Aristotle Pollisco

Shazam Footer

Select language:
Google Play Store
Apple App Store
Chrome Web Store
Galaxy Store

Follow Us

Loading...