制作

出演艺人
Kiyo
Kiyo
表演者
YZKK
YZKK
表演者
作曲和作词
Yukihiro Rubio
Yukihiro Rubio
词曲作者
制作和工程
Oui Lele
Oui Lele
制作人

歌词

Whoo, whoo
Uh, pinilit umakit ng suwerte, palaisipan pinalawak
Pinakiusapan ang hangin, pinaamo ang pinakamatapang
Pinapalayo ang aking balwarte 'gang maligaw, sige, abante
'Di lumingon, dinala ko pa din ang bigat kasi ako lang
Ang aking tapat na kakampi, wala nang iba, walang katabi
Magaling lang sila, pagdukot sa bulsa mo na puno ng salapi
Lumaking lahat hindi nabigay, kaya ngayon handa na ako, matindi
Madilim man ang langit, malungkot man ang ulap nakangiti
At kung akala ko mababaw ay hindi ko lang tanaw
Nalubog na 'ko sa putik bago ko pa madamang
Wala na 'tong balikan kaya deretso lang
At baka may masalubong na sasalba sa tulad kong mangmang
Sige, halika dito't kausapin mo ako nang harap-harapan
Para atin nang malaman kung ano'ng paraan
Kapag tahimik 'ko, ang ingay mo, laging sunod ang 'yong gusto
Hanggang kailan ba tayo gan'to? Sinusubukan ko naman
Kaya kapag mahirap, 'pag gipit
At 'pag gabi, 'la 'kong malapitan
Yakap aking unan, yakap aking unan
Daan hindi makita, mahabang pila
Madalang na ang pagbisita mo
Ano ang pagkukulang? (Ano ang pagkukulang?)
Uunawain mga bagay na binato sa 'kin
Mga bagay na hirap hupain, mga gulo na aking kasapi
At ayoko lang naman sa oras ay nagtatagal
Hindi rin mabilis, baka ika'y mataranta
Paulit-ulit lang ang kulay sa ating buhay
Pag-ibig ng lahat ang siyang magpapatunay
Napalapit, napalayo, pinagkait, napasa'yo
Napasabi na lang
(Pakisabi na) "Sinusubukan ko naman"
(Pakisabi na) "Sinusubukan ko naman"
(Pakisabi na, uh, pakisabi na) "Sinusubukan ko naman"
Ano ba'ng gusto mo? (Gusto mo)
May mga naghihintay, kita-kita na lang do'n
Kung ikaw ay mainip, 'di pa tamang panahon
Punan mo ng enerhiya, positibo na ganap
Gawin mo nang mayro'ng puso kahit dulo 'di tanaw
Dahil ano'ng silbi ng buhay kung 'di ka gagalaw
Kung hindi mo gagamitin utak mong nasasabaw?
'Wag mo nang intindihin kapag hindi mo na saklaw
'Pag hindi mo na saklaw, 'pag hindi mo na saklaw (uh)
At kung akala ko mababaw ay hindi ko lang tanaw
Nalubog na 'ko sa putik bago ko pa madamang
Wala na 'tong balikan kaya deretso lang
At baka may masalubong na sasalba sa tulad kong mangmang
Sige, halika dito't kausapin mo ako nang harap-harapan
Para atin nang malaman kung ano'ng paraan
Kapag tahimik 'ko, ang ingay mo, laging sunod ang 'yong gusto
Hanggang kailan ba tayo gan'to? Sinusubukan ko naman
Kaya kapag mahirap, 'pag gipit
At 'pag gabi, 'la 'kong malapitan
Yakap aking unan, yakap aking unan
Daan hindi makita, mahabang pila
Madalang na ang pagbisita mo
Ano ang pagkukulang? (Ano ang pagkukulang?)
Written by: Thomas Dimitrios Kyratzis, Yukihiro Rubio
instagramSharePathic_arrow_out

Loading...