Music Video

RON HENLEY - Hagdan feat. KAT AGARRADO
Watch RON HENLEY - Hagdan feat. KAT AGARRADO on YouTube

Credits

PERFORMING ARTISTS
Ron Henley
Ron Henley
Rap
Kat Agarrado
Kat Agarrado
Vocals
COMPOSITION & LYRICS
Ron Henley
Ron Henley
Composer
PRODUCTION & ENGINEERING
Paul "Klumcee" Vano
Paul "Klumcee" Vano
Producer

Lyrics

Ooh Hmm Hmm, hmm, hmm, hmm Hey Ang araw-araw ay kabaliktaran ng suwerte Mukha lang inosente pero puwede magrebelde Ginagawa kong kapre ang bawat mga duwende Kung minsan ang kulay pula'y ginagawa kong berde Nakasagutan ko si Nanay, si Utol nakaaway Hindi na 'ko umuuwi ng bahay Nagpunta sa kapitbahay, nakitulog, nakitambay Nakiuso, nakibagay, nakiusok, nakitagay Pinakain ko ng damo ang pulang kabayo Paulit-ulit lang umaasang may magbabago Binusog ko lang lalo ang ari kong pagkatao 'Pag nagtalo 'yong dalawang aso, 'yong mabuti 'yong talo Napalayo sa reyalidad Naglalakad ako, ngunit akala ko ako'y lumilipad Naging tamang hinala, panay maling akala Hinahabol ko ang tama at mukhang mali na 'ata Gusto kong maglayag Gusto kong mga pangarap ko mangyari agad Gusto kong lumangoy, gusto kong lumipad Pakiramdam ko, kaya kong gawin ang lahat Teka, huwag kang magmadali Dahan-dahan lang (dahan-dahan lang) Tayo ay para lang humahakbang Paakyat ng hagdan Ang kalaban ko ay nasa likod, nakangiti May inaalok siya sa 'kin, 'di ako maka-"Hindi" Hindi sila nakaitim, bagkos nakaputi No'ng ako'y nakatikim, hindi na 'ko umuwi Sa aking tunay na buhay, humaba lang ang sungay Ang patunay, tunay ang lakad ko ay pasuray-suray Ako ay uminom ng lason kahapon Umaasang 'yong taong 'yon ang nasa kabaong At ako ay nilamon ng buhawi Inanod ng ugali kong 'singbaho ng pusali Sa sobrang bangis, nagawa nila akong itali Ang buhay ay tungkol sa kung papa'no ka bumangon at bumawi Sa aking pagbalik, sa liwanag ay nasilaw Nasanay sa silid na laging patay ang ilaw At kahit na nasasabon, huwag na huwag kang tatalon Sa bawat bagyo, tandaan, laging may pag-asa, Ron Gusto kong maglayag Gusto kong mga pangarap ko mangyari agad Gusto kong lumangoy, gusto kong lumipad Pakiramdam ko, kaya kong gawin ang lahat Teka, huwag kang magmadali Dahan-dahan lang (dahan-dahan lang) Tayo ay para lang humahakbang Paakyat ng hagdan May araw na malas, may araw ring suwerte Tanggap ko nang pula'y hindi puwedeng maging berde Hindi madali pero posible Kung ang lahat ng bagay ay gagawin kong simple May mga taong inilagay para ako'y itumba Isang kalabit na lang at ako'y puputok na Gan'to 'ata talaga kapag ang puno ay mabunga Binabato-bato nang may mahulog at makuha Sa aking kahinaan ay naging malakas Lalo akong tumingin paloob, imbes palabas Isinapuso ko, 'di ako masyadong nag-isip Ng kung ano-ano, lalo ko lang niyakap ang inip At ako ay nagpasakop sa programa Sa tulong ng aking mga bagong kasama Ako ay nakabangon sa kama Muli kong nasilayan ang isang bagong umaga Gusto kong maglayag Gusto kong mga pangarap ko mangyari agad Gusto kong lumangoy, gusto kong lumipad Pakiramdam ko, kaya kong gawin ang lahat (nasilayan ang isang bagong umaga) Teka, huwag kang magmadali Dahan-dahan lang (dahan-dahan lang) Tayo ay para lang humahakbang Paakyat ng hagdan (nasilayan ang isang bagong umaga) Gusto kong maglayag Gusto kong mga pangarap ko mangyari agad Gusto kong lumangoy, gusto kong lumipad Pakiramdam ko, kaya kong gawin ang lahat (nasilayan ang isang bagong umaga) Teka, huwag kang magmadali Dahan-dahan lang (dahan-dahan lang) Tayo ay para lang humahakbang Paakyat ng hagdan (nasilayan ang isang bagong umaga)
Writer(s): Lester Paul M. Vano, Ron Joseph A. Henley Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out