Music Video

Featured In

Credits

PERFORMING ARTISTS
Marlon "Loonie" Peroramas
Marlon "Loonie" Peroramas
Rap
COMPOSITION & LYRICS
Marlon "Loonie" Peroramas
Marlon "Loonie" Peroramas
Composer
PRODUCTION & ENGINEERING
Paul "Klumcee" Vano
Paul "Klumcee" Vano
Producer

Lyrics

Uy, si Loonie 'yon, ah? Tara, lapitan natin Idol, fliptop tayo! (Tara, isa lang, kuya, sige na) Parinig naman ng rap mo, sample naman d'yan Ang ganda naman ng cap mo, arbor na lang 'yan Ang yabang mo naman, wala ka bang kanta na bago? Bakit wala kang battle? Takot ka bang matalo, ha? Paulit-ulit ang tanong ng mga tao Huwag sanang apurado, ano'ng magagawa ko? Wala akong maisip, masyado pang mainit Akala mo tuloy, mukhang suplado 'pag tahimik Pagod lang talaga, galing gig, Tuguegarao Walong oras sa van, tatlong oras sa kalabaw Tapos pag-uwi ko pa, para bang hindi ko malaman Kung bakit ang buhay ko ay para bang naging pelikula Laging puyat, nagkalat ang papel na nilamukos Ang dami ng kapeng ipinautos Tinta ng aking ballpen, malapit nang maubos Isang patak na lang pero aking ibubuhos Mali ba na magkamali ang 'sang tulad ko? Ako ay tao lang din naman na tulad mo Ano ba ang dapat na gawin? Dapat bang kamuhian O dapat ba na tularan ang 'sang tulad ko na tao lang? Pasensiya na (tao lang) Pasensiya na (tao lang) Pasensiya na (tao lang) Pasensiya na Kasi, sapul sa pagkabata, sablay no'ng tumanda Lumakad, humakbang, hanggang sa madapa Huwag kang mawawalan ng pag-asa, huwag kang madadala Kung wala ka pang mali, wala ka pang nagagawa Madadapa ka muna bago ka matutong lumakad Ang buhay ay utang, hulugan ang bayad Kaya huwag kang matakot magkamali Pero alalay lang, huwag kang masyadong magmadali 'Yan ang sabi sa akin ng aking itay Na pinapaalala palagi sa 'kin ni inay Na kadalasan ay hindi nasusunod Ayoko nang sumali, gusto kong manood Minsan, wala nang gana, ayoko nang mag-rap Kasi akala ko dati, alam ko na'ng lahat 'Yon pala, kulang pa ang kaalaman kong labis Ngayon, alam ko na kung ba't may pambura ang lapis Mali ba na magkamali ang 'sang tulad ko? Ako ay tao lang din naman na tulad mo Ano ba ang dapat na gawin? Dapat bang kamuhian O dapat ba na tularan ang 'sang tulad ko na tao lang? Pasensiya na (tao lang) Pasensiya na (tao lang) Pasensiya na (tao lang) Pasensiya na Pero 'di ba, tao ka lang din? 'Di mo ba napansin? Kahit anong taas mo na, titingala ka pa rin Kahit planuhin mong mabuti, bakit gano'n pa rin? 'Di maiwasan na magkamali kahit ano'ng gawin Kadalasan, nangyayari ay ang kabaliktaran Marami kang detalye na makakaligtaan Mamamali ka ng daan lalo kung wala kang ga'nong alam Ano'ng magagawa mo, tao ka lang? Napapagod, natatakot, naiinip Natatawa, nagtataka, naiinggit Nangangawit, nagagalit, nabibigla Nalulungkot, nauutot, nahihiya Natutukso, nakokonsensiya Nauubusan din ng pasensiya Nasasaktan, nagmumura Pero nagmamahal pa rin kahit natuto na Mali ba na magkamali ang 'sang tulad ko? (Mali ba na magkamali?) Ako ay tao lang din naman na tulad mo (ako'y katulad mo, yeah) Ano ba ang dapat na gawin? Dapat bang kamuhian (tulad mo, tulad n'ya) O dapat ba na tularan ang 'sang tulad ko na tao lang? (Ano ba? Ano ba?) Mali ba na magkamali ang 'sang tulad ko? (Uh, mali ba na magkamali?) Ako ay tao lang din naman na tulad mo (tao lang, pasensiya na) Ano ba ang dapat na gawin? (Ano ba?) Dapat bang kamuhian (ano ba?) O dapat ba na tularan ang 'sang tulad ko na tao lang? Pasensiya na (tao lang) Pasensiya na (tao lang) Kagaya mo (tao lang) Pasensiya na, yeah (kagaya mo, oh, yeah) Pasensiya na, uh (tao lang) Pasensiya na (wala tayong pagkakaiba) Pasensiya na, sorry naman Kung pwede lang sanang isoli na lang, pasensiya na
Writer(s): Marlon Peroramas Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out