Lyrics

Sa dami ng beses na Ika'y tinawag Para lang humingi sa 'Yo ng patawad Kaya naman paulit-ulit ko itong binabalikan Dahil sa pangako Mong pagmamahal na walang-hanggan Pagpalain mo akong muli Aakayin nang walang atubili 'Di bibilangin ang pagkakamali Patawarin mo akong muli Bakit naparito ka, anak? Ako po ay nagkasala Kapatawaran mo ay tiyak, sa 'kin, ika'y maniwala Kita mo naman, ako'y tapat para sa iyong pagpapala Kahit itanong mo sa Kanya Ang mga mata ko ay dilat sa mga maling akala 'Di nakikita kahit mulat ang mga pandaraya Ang kasamaan ba'y may ugat? Sino ba ang may sala? "Hindi ako," 'yon ang sabi niya Sa dami ng beses na Ika'y tinawag Para lang humingi sa 'Yo ng patawad Kaya naman paulit-ulit ko itong binabalikan Dahil sa pangako Mong pagmamahal na walang-hanggan Pagpalain mo akong muli Aakayin nang walang atubili (oh, yeah) 'Di bibilangin ang pagkakamali (oh) Patawarin mo akong muli Ilan pong "Ama namin"? (Oh, whoa) Ilang "Aba Ginoong Maria"? Ngunit nang aking silipin (oh) Hindi si Padre ang aking nakita Ang tagal-tagal ko nang gustong magsalita Para 'di na 'yung mga maling gawa-gawa Hindi kasi ginagamot kaya namamaga Ang gabutil noon, ngayon ay malala Sinabi ko daw ito at ginawa ko 'yan Nagpakita daw ako sa mga iilan 'Pag hiningan ka ng pera, 'wag maniwala diyan 'Di mo kilala ang tao na napagkamalan Basta tandaan mo lang ang sasabihin ko 'Di 'yung pilit na ipinapagawa sa 'yo Sa dami ng sumusumpa sa mundong ito Alam ko na mahirap hanapin ang totoo Kung tutuusin ay isa lamang ang kasalanan Pagnanakaw, napakaraming magagawa diyan Nakawin ang totoo, kasinungalingan Ninanakaw ang dangal ng kababaihan Puwedeng nakawin ang puso ng nagmamahal Nakawin ang oras mo sa minamahal Nakawan ng respeto kahit ang hangal Kapag ninakaw ang buhay, gilitin ng punyal O kahit ano pa 'yan, basta kinuha mo Ang kahit kapirasong saya na hindi sa 'yo (hindi sa 'yo) Huwag mong kalimutan 'to, uulitin ko Kasi napipikon ako sa mga gawi mo Hindi ka puwedeng mabait sa mga mayayaman Pero ang mga mahirap ay tinatapakan Upang magmukhang tuwid, laha,t binabasahan Pero ang kanyang katulong ay binabasahan Kilala ko naman lahat ng mga bulaan Kahit na umilag ka ay tinatamaan Para lang mapagtakpan ang mga kasalanan Palagi mong isinisigaw ang aking pangalan (aking pangalan) Kaya naman, paulit-ulit ko itong binabalikan Dahil sa pangako Mong pagmamahal na walang-hanggan Pagpalain mo akong muli Aakayin nang walang atubili (oh, oh) 'Di bibilangin ang pagkakamali Patawarin mo akong muli
Writer(s): Aristotle Pollisco Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out