album cover
Pilak
133
Hip-Hop
Pilak was released on October 27, 2023 by Universal Records as a part of the album Pilak
album cover
AlbumPilak
Release DateOctober 27, 2023
LabelUniversal Records
Melodicness
Acousticness
Valence
Danceability
Energy
BPM83

Credits

PERFORMING ARTISTS
Gloc-9
Gloc-9
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Aristotle Pollisco
Aristotle Pollisco
Songwriter
PRODUCTION & ENGINEERING
Gloc-9
Gloc-9
Producer

Lyrics

Kumusta?
Sana'y nasa mabuti kayong kalagayan, nandito na naman ako
Maraming salamat nga pala kung pinakikinggan mo ito
Alam mo, no'ng nagsimula ako noong 1997
Hindi ko inisip na tatagal ako nang ganito, kaya salamat
Puwede na 'kong tumabi, pero 'di nagmamadali
Palaparin ang papel, unatin ang nakatupi
Sa sultada ng buhay, pula man o sa puti
Natalo sa una, pero sa huli 'di magpapagabi
Sige, bangon, umahon, umalon man ng kahapon
Damputin lang ang mabuti at ang masama'y itapon
'Yan ang natutunan ko nang tumagal at lumaon
Sa bunganga ng hayop kapag hangal ay malalamon
Ng matatalas na pangil, umiwas ka sa dahil
Kaya ang dapat mong puntiryahin, hindi marahil
Lapitan mo, huwag kang matakot kahit nakaangil
Hanapin, nakatago man sa talahib o pilapil
Tapikin mo ang sarili mong balikat, bakit?
Kasi 'yan ang tunay at walang kasamang inggit
Pumikit, maliit man ngayon
Dumikit ka lamang sa kasipagan at tiyaga
Malupit ang kahihinatnan, mataas man ang hagdan
Balikan nang balikan at nang matandaan
Ang pangalan alang-alang sa nilaban
Tinaya mo sa tagal ng panahon yumaman
Hindi nag-iba ang pangarap na hinanap nakamit
Parang akap-akap na bagong biling damit
Malupit 'yan na kuwento sa tuwing magpapagupit
Kahit makapal na yero 'yan, punit (pag legit)
Kasi walang kasingtalas ang bitbit
Kapag nahagip ka ay tinamaan ng lintik
Kaya tumabi, 'di na uso ang patumpik-tumpik
Kung 'di mo alam kung sa'n ka pupunta ay bumalik
Teka muna, ako ay nananawagan na uli
Kung mayro'n ka pang dapat na sulatin ay umuwi
Mga letra at tugma nang ang mukha ay ngumiwi
Matapang na titindig kahit hindi ka pa tuli
Alam kong bawal tumigil at hindi dapat huminto
'Yan ang payo ko sa 'yo para 'di ka mabigo
Salamat sa lahat ng nagbukas sa 'kin ng pinto
Okay na 'ko sa pilak kahit 'di na makaginto
Alam kong bawal tumigil at hindi dapat huminto
'Yan ang payo ko sa 'yo para 'di ka mabigo
Salamat sa lahat ng nagbukas sa 'kin ng pinto
Okay na 'ko sa pilak kahit 'di na makaginto, ayos na po
Malalakas na palakpakan at sigawan
Nakakasilaw na ilaw sa entabladong naglalawakan
Laugh trip, food trip, at walang humpay na laboy
Na umabot pa kahit sa ibang bansa, nakakatuwa
Pero kasabay ng lahat ng tagumpay na 'yan
Ay dugo, pawis, at luha na kailanman ay 'di mo makakaila
Huwag na natin isama pa kung ilan
Ang mga nagawa, hindi kasali 'yan
Ang mahalaga ay kung kaya mo pang tingnan
Walang kurap ang mata, masilaw man sa kinang na hindi galing sa 'yo
Ang alam mo lang ay masaya pa ring
Diinan ang panulat kahit tapos nang tuparin
Ang mga dasal mo dati, isa-isang pitasin sa pisara
Dahil alam mong kaya kang panisin
Lunukin, tanungin, alukin, sambitin
Ang dating ikaw ay isigaw, piliting hingin
Baka-sakaling mayro'n pang natitirang bunuin
Tila may napulot kang anting-anting
Kasi walang reserba 'to, mapako man ang goma nang milyon
Huwag maubusan ng hangin, 'di 'to yabang o pikon
Nang may madukot, matutong mag-ipon
Pag maayos mo 'kong tinawag, asahan na lilingon
Tandaan mo lang
Tandaan mo lang
Written by: Aristotle Pollisco
instagramSharePathic_arrow_out􀆄 copy􀐅􀋲

Loading...