album cover
TULAY
2
Hip-Hop/Rap
TULAY was released on January 24, 2024 by Sony Music Entertainment as a part of the album TULAY - Single
album cover
Release DateJanuary 24, 2024
LabelSony Music Entertainment
Melodicness
Acousticness
Valence
Danceability
Energy
BPM101

Credits

PERFORMING ARTISTS
PLAN B
PLAN B
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Gosge
Gosge
Composer
DK
DK
Composer
PRODUCTION & ENGINEERING
CTBeats PH
CTBeats PH
Producer
Ctbeats
Ctbeats
Producer

Lyrics

Di ko naiisip ang bawat kong pagsilip lang
Sa ilalim pa ng maliwanag na buwan
Ay sa tulay mo pang naisip magdamdam
Di ko lang kasi naintidihan gustong tumabi kaso di na lang
Kahit na malayo ka sa aking paningin
Ay palihim nalang kitang kakantahan
Makinig ka lang
Baliko man ang yong himig
Naputulan ng pag ibig
Bawat paghinga may masikip ay luluwag
Sa paglabas ng tinig
Himayin ang awit na ito
Kasabay ko ang yong mundo
Ramdam ko ang aking mga sinasalong mga maiinit mong luha
Tila kamantayan ang pinangarap
Sa ibabaw ng tulay inaabot ang ulap
At sa sarili di mo masabi
Ng pagbulong kasi kulong saking pagkakamali
Kala mong harang ay isang
Hudyat na dapat umuwi para magpahinga
At bukas ulit ikaw naman ang syang kakanta
Ng kahit ano at ako ng bahala ang makinig para sayo
Makinig para sa'yo
Pagkat sa lahat ng iyong sarilihang natamo
Nakikita kong halatang gusto mo nang bumitaw
Kaya ako'y naghahanda na palihim kang masalo
Dahil sa laban na to ay tanging ikaw at ako
Ang magpapakawala diyan sa idinadala mo
Ako'y parang pana na dadalhin ka
Sa dapat mong puntahan
Dahil tila ikaw ang aking nag iisang palaso
Subalit komplikado, malabo pa at magulo
Paalala ko lang pakiusap para sa'yo to
Sana tumagos sa katawan mo hanggang sa buto
Na ugat ng nilalaman nito ay 'yong pagkabuo
Gusto kitang masagip ngunit hindi na makayanan
Pa na makatawid sa daanang walang hangganan
At sa makatuwid pasensya'y di na mahabaan
Sa tulay na di malagpasan yung pinagdaraanan
Wala na, pilit ng pilit humawak para maulit
Ngunit, naipit ng dahil sa gusto lang kumapit ulit
Sariling larawan unti unti ng napupunit
At tinatanaw ko ang aking sarili dun sa langit
Pero bakit ni sarili ay di ko na makasama
Kahit na tatayo pa ako sa tulay mag isa
Itoy pangako ko nalang kahit pa na mawala
Ay sa liwanag ipaliwanag ang pagiging masama
Tila kamantayan ang pinangarap
Sa ibabaw ng tulay inaabot ang ulap
At sa sarili di mo masabi
Ng pagbulong kasi kulong saking pagkakamali
Kala mong harang ay isang
Hudyat na dapat umuwi para magpahinga
At bukas ulit ikaw naman ang syang kakanta
Ng kahit ano at ako na ng bahala ang makinig para sayo
Ohh yeaahh para sayooo yeaaahhh
Written by: DK, Gosge
instagramSharePathic_arrow_out􀆄 copy􀐅􀋲

Loading...