album cover
ILAW
4
Hip-Hop/Rap
ILAW was released on September 18, 2024 by Sony Music Entertainment as a part of the album ILAW - Single
album cover
Release DateSeptember 18, 2024
LabelSony Music Entertainment
Melodicness
Acousticness
Valence
Danceability
Energy
BPM84

Credits

PERFORMING ARTISTS
PLAN B
PLAN B
Performer
COMPOSITION & LYRICS
DK
DK
Composer, Lyrics
Kier
Kier
Lyrics, Composer
Gio
Gio
Lyrics, Composer
Kaizler
Kaizler
Composer, Lyrics
PRODUCTION & ENGINEERING
CTBeats PH
CTBeats PH
Producer

Lyrics

Ikaw ang nagsisilbing aking ilaw sa daan
sa tuwing madilim sa aking tatahakin
pag ikaw ang kasama lahat aking hahamakin
Kahit na marami ang sinasabi ng iba
'la silang magagawa satin sila ay nganga
Pag meron sating humadlang walang pakialam
Ipaglalaban aking nararamdaman sayo
Ikaw ang aking tanging ilaw sa daan
kahit anong bigat pa tila magaan
ikaw ang bumuo at pinakalaman
walang iba ikaw ang pinakalamang
Kasi ikaw lang naman ang bumubuo sakin
wala na ‘kong dapat hanapin
hindi na kailangan hamakin
kahit yung oras mo di naagawin
‘Lam ko sa akin ka parin
kahit hindi ko na siguraduhin
panatag ako na madarama ko lahat
kahit hindi mo akuin, uh
Ikaw lang ang naging sandalan ko
kakampi pag yung isip ko ay magulo
asahan mong sukli nito ako’y sa’yo
mga taya ko na ipinanalo mo
Wala ng takot kahit mauwi sa lona,
basta sayo walang makakaapi
ako na ang bahala sa lahat kahit na magkaposas
ang rosas mo lang ang hahawakan ko sa oras,
Na malagay sa alanganin handa kong suwayin
Kahit ama namin masiguro ko lang na
walang anumang masamang mangyayari kasi sayo lang
umiikot ang mundo, kahit na ako pay maabo,
mga plano ko para sayo, yan panghawakan mo
Ikaw ang nagsisilbing aking ilaw sa daan
sa tuwing madilim sa aking tatahakin
pag ikaw ang kasama lahat aking hahamakin
Kahit na marami ang sinasabi ng iba
'la silang magagawa satin sila ay nganga
pag meron sating humadlang walang pakialam
ipaglalaban aking nararamdaman sayo
 
Sa ating pagmamahal ay walang pwedeng komontra
para lang sayo kahit tamaan pa ng bala
ako'y sundalo mo kahit saluhin ang bomba
ibubuwis ang buhay kapag merong gumambala
Tinanggap ng buo kahit kupas ang lonta
pagmamahal patutunayan di lang puro porma
lahat ay handang ialay hanggang sa kumota
sa lakas ng tama dinaig pa nakatoma
Ikaw ang rosas sa kumpol ng mga gumamela
sing tamis ng pulot pukyutan pag ikaw kasama
walang hihigit sayo dyamante ginto man o pilak
natatanging ngiti mo lang ang gusto ko masipat kasi
Ikaw lang ang siyang nag patino, yeah
sa magulo ko na mundo diba
pangako ko sayo na di na tayo maliligaw pa
kahit pa tayong dalawa laban sa lahat kayang kaya
Kung ating tutuusin malamang ay di mo pansin,
sa kada may paparating na unos sa ating hardin,
handa ko lahat harapin masigurado ko lamang sa kada gabi
kalakip ng lambing tulog moy mahimbing
Ikaw ang nagsisilbing aking ilaw sa daan
sa tuwing madilim sa aking tatahakin
pag ikaw ang kasama lahat aking hahamakin
Kahit na marami ang sinasabi ng iba
'la silang magagawa satin sila ay nganga
Pag meron sating humadlang walang pakialam
Ipaglalaban aking nararamdaman sayo
Ikaw ang nagsisilbing aking ilaw sa daan
sa tuwing madilim sa aking tatahakin
pag ikaw ang kasama lahat aking hahamakin
Kahit na marami ang sinasabi ng iba
'la silang magagawa satin sila ay nganga
Pag meron sating humadlang walang pakialam
Ipaglalaban aking nararamdaman sayo
Written by: DK, Gio, Kaizler, Kier
instagramSharePathic_arrow_out􀆄 copy􀐅􀋲

Loading...