album cover
Tinta
164
Hip-Hop/Rap
Tinta was released on July 28, 2008 by Musiko as a part of the album Matrikula
album cover
Release DateJuly 28, 2008
LabelMusiko
Melodicness
Acousticness
Valence
Danceability
Energy
BPM80

Music Video

Music Video

Credits

PERFORMING ARTISTS
Gloc-9
Gloc-9
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Aristotle Pollisco
Aristotle Pollisco
Composer
Jonathan Ong
Jonathan Ong
Arranger
PRODUCTION & ENGINEERING
Jonathan Ong
Jonathan Ong
Mixing Engineer, Mastering Engineer

Lyrics

Pwedeng asul, pwedeng itim, pwedeng pula
Pwedeng iba, ang mahalaga'y kung ano ang maiintindihan nila
Sila na s'yang makikinig at makabisado ng kanta
Ngayon sabihin mo sa akin
Paano mo ginamit ang tinta?
Nagsimula ang lahat na aking mahawakan ang papel
At panulat habang ako'y tinuturuan ni nanay
Habang siya'y naglalaba ng damit sa poso paulit-ulit
Isinusulat at dapat deretso ang mga letra
Na parang petsa sa kalendaryo
Mag basa ng aklat, kung minsan nama'y komiks at dyaryo
Ng sa gayo'y mapalawak ang aking bokabularyo
At hindi imbento na parang gamot ng albularyo
Nag-aral
Isa, dalawa, tatlong baytang sa elementarya
Natapos sa ika-anim, ngunit walang medalyang
Nakasabit sa aking leeg
Ng hindi sampagitang dala-dala ni tatay
Pagkatapos niyang mamasada
Lumipas ang mga taong sinubukang lumikha
Mga salitang magkatugma na ang tawag ay tula
Ngunit may nagsabi sa akin, "Ris, pagnaron ka na, sabihin mo sa akin
Kung paano mo ginamit ang tinta"
Pwedeng asul, pwedeng itim, pwedeng pula
Pwedeng iba, ang mahalaga'y kung ano ang maiintindihan nila
Sila na s'yang makikinig at makabisado ng kanta
Ngayon sabihin mo sa akin
Paano mo ginamit ang tinta?
Pag gising mo sa umaga, maliligo ka sa banyo
Papasok ka sa eskwela, manghihingi ka ng baon
Kung titigna'y wala kang pinagkaiba sa lahat
Ngunit sa iyong isipan ay may nabubuong alamat
Ng isang makatang laging titingalain ang lahat
Mga awit na ikaw lang ang may alam ng pamagat
Na balang araw ay sasambitin, awit mo'y kakantahin
Ng lahat ng batang tulad mo na may pangarap rin
Ngunit ngayo'y nagsisimula ka pa lang
'Di mo hahayaang pigilan ang iyong bawat hakbang
Kahit na ito'y mabagal na parang nakasaklay
Ang mga pangarap mo syang sandata mong taglay
At walang makakapigil, kahit minsan ay parang
Wala ka ng maayos na lupang pwedeng lakaran
Ngunit pagdating ng araw at naro'n ka na
Sabihin mo sa akin kung paano mo ginamit ang tinta?
Pwedeng asul, pwedeng itim, pwedeng pula
Pwedeng iba, ang mahalaga'y kung ano ang maiintindihan nila
Sila na s'yang makikinig at kakabisado ng kanta
Ngayon sabihin mo sa akin
Paano mo ginamit ang tinta?
Written by: Aristotle Pollisco
instagramSharePathic_arrow_out􀆄 copy􀐅􀋲

Loading...