積分

演出藝人
Cup of Joe
Cup of Joe
演出者
詞曲
Gian Bernardino
Gian Bernardino
詞曲創作
Gabriel Fernandez
Gabriel Fernandez
詞曲創作
Clint Joules Fernandez
Clint Joules Fernandez
詞曲創作
Raphaell Ridao
Raphaell Ridao
詞曲創作
製作與工程團隊
Jovel Rivera
Jovel Rivera
製作人

歌詞

[Verse 1]
'Di na makausad, 'di malinawan
'Di na mabura ang iyong mga larawan
'Di alam kung sa'n tutungo ang mga hakbang patalikod, nag hihingalo
Ang lapis na ginamit sa kuwento nating naudlot
Bawat buklat ng aklat, binabalikan
Mga liham na ang laman, ligayang dala
Ikaw lang ang may akda
[Chorus]
Sa lahat ng pahinang sinulat ng tadhana'y
Ikaw at ikaw at ikaw pa rin
Ang yugtong paulit ulit kong babali balikan
Sigaw ay, sigaw ay ikaw pa rin
Patuloy kong pang hahawakan ang 'yong mga salitang
Hindi na nakikita sa tingin ng 'yong mga mata
Ngunit kung sarado na ang puso sa nadarama
Puwede bang isipin mo kung bakit tayo nagsimula?
[Verse 2]
Ating katotohana'y naging isang nobelang
Winakasan ng pagdududang 'di na nalabanan
Nais na maramdaman muli
Kung pa'no isulat ang pangalan mo
Ngunit bawat letra'y mahirap nang iguhit
Dahil binubuo nila ang 'yong mga pangako
[Chorus]
Sa lahat ng pahinang sinulat ng tadhana'y
Ikaw at ikaw at ikaw pa rin
Ang yugtong paulit ulit kong babalik balikan
Sigaw ay, sigaw ay ikaw pa rin
[Bridge]
Simula sa wakas na 'di matuklasan
Pabalik kung saan 'di na natagpuan
Ang mga matang nakatanaw sa umpisa
Ng yugtong 'di na sana naisulat pa
Simula sa wakas na 'di matuklasan
Pabalik kung saan 'di na natagpuan
Ang mga matang nakatanaw sa umpisa
Ng yugtong 'di na sana naisulat pa
[Chorus]
Sa lahat ng pahinang sinulat ng tadhana'y
Ikaw at ikaw at ikaw pa rin
Ang yugtong paulit ulit kong babalik balikan
Sigaw ay, sigaw ay ikaw pa rin
Patuloy kong pang hahawakan ang 'yong mga salitang
'Di na nakikita sa tingin ng 'yong mga mata
Ngunit kung sarado na ang puso sa nadarama
Puwede bang isipin mo kung bakit tayo nagsimula?
[Outro]
Sa wakas na 'di matuklasan
Pabalik kung saan 'di na natagpuan (Ikaw at ikaw at ikaw pa rin)
Ang mga matang nakatanaw sa umpisa
Ng yugtong 'di na sana naisulat pa (Sigaw ay, sigaw ay)
Written by: Clint Joules Fernandez, Gabriel Fernandez, Gian Bernardino, Raphaell Ridao
instagramSharePathic_arrow_out

Loading...