Music Video

Featured In

Credits

PERFORMING ARTISTS
Shanti Dope
Shanti Dope
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Lester Paul Vano
Lester Paul Vano
Songwriter
Sean Patrick Ramos
Sean Patrick Ramos
Songwriter
PRODUCTION & ENGINEERING
Lester Paul Vano
Lester Paul Vano
Producer

Lyrics

Oh, 'di ba't kahapon lang ikaw ay nagpaalam? Hindi ko na alam ang aking gagawin Bakit nasasaktan? Ano ang pagkukulang? Dapat bang pagbayaran ang 'di naman inutang? Oh Umasa kahit na malayo pa 'ko sa pamantayan mo Ganito pakiramdam no'ng dumagdag ka pa sa pangarap ko Matagal nating iningatan 'to habang patago pa kitang maranasan No'ng ikaw na kahinaan ko, 'tsaka mo 'ko natutunan iwasan Andiyan agad sa isang tawag mo kaya parang madali sa 'yo bitawan Mga alaala natin na wala lang sa 'yo, palibhasa, 'di mo kailangan na 'Yoko namang makipaglaban para sa kadahilanang nandiyan siya Puwede pa din naman na 'di niya malaman, ah, basta 'wag mo 'kong iwanan, puwede ba? Isip at ang puso, ba't 'di pa palayain? Nakagapos sa kahapon ang init ng damdamin Paano, saan, at kailan ka yayakapin? Sa pag-ikot ng mundo ko sa 'yo, whoa, palagi Oh, 'di ba't kahapon lang ikaw ay nagpaalam? Hindi ko na alam ang aking gagawin Bakit nasasaktan? Ano ang pagkukulang? Dapat bang pagbayaran ang 'di naman inutang? Oh Siguro nga, 'di ako 'yung tipo na kaya gawin lahat Para sa pamantayan mo Pero sa kabila ng mga binitawan mong pangako 'Di ito 'yung inasahan ko, tawanan bago mo 'ko pangilagan, oh Isipin mo sana ano tayo dati sa kama niyo Kahit damo at pamasahe lang nasa pitaka ko Nakakarating tayong alapaap kada tawa mo Pula mata kahit 'di man nagkaiyakan, uh Kahit wala na 'kong panahon para umasa pa Balewala kung mas madalas, naaalala ka Sa mga sabi-sabing nakarating sa 'yo Sana kalimutan mo na parang ginawa mo sa 'ting dalawa Oo, madami diyan pero tumatak ka sa 'kin No'ng pati sa kaluluwa mo 'ko nahumaling No'n nasabing dapat kita palayain Ipinangako mo na isinulat mo pa sa hangin Isip at ang puso, ba't 'di pa palayain? Nakagapos sa kahapon ang init ng damdamin Paano, saan, at kailan ka yayakapin? Sa pag-ikot ng mundo ko sa 'yo, whoa, palagi Oh, 'di ba't kahapon lang ikaw ay nagpaalam? Hindi ko na alam ang aking gagawin Bakit nasasaktan? Ano ang pagkukulang? Dapat bang pagbayaran ang 'di naman inutang? Oh
Writer(s): Lester Paul Vano, Sean Patrick Ramos Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out