Lyrics

Ipagpatawad mo, aking kapangahasan Ang damdamin ko, sana'y maintindihan Alam kong kailan lang tayo nagkatagpo Ngunit parang sa 'yo, ayaw nang lumayo Ipagpatawad mo, ako ma'y naguguluhan 'Di ka masisi na ako ay pagtakhan Hindi na dapat ako pagtiwalaan Alam kong kailan lang tayo nagkatagpo Ngunit parang sa 'yo, ayaw nang lumayo Ipagpatawad mo, minahal kita agad Mic check, one, two Ah, minahal kita agad (matagal ko nang gustong sabihin sa 'yo 'to) Ah, minahal kita agad (kahit na ngayon lamang tayo nagkatagpo) Ah, minahal kita agad (lagi kong pinapangarap na ikaw ay sumakay) Ah, minahal kita agad (sa aking pedicab, ako'y maghihintay) Nang ikaw ay unang beses kong masilayan 'Di ko malaman bakit nagkaganito Inutusan lang naman ako ng aking inay Na pumunta ng palengke at bumili ng pito-pito Sinigang sa miso ang ulam namin sa umaga Tanghali, hapunan, abutin man ng gabi Pabalik-balik na lumakad sa harapan ng inyong tindahan Kahit wala 'kong pera na pambili Nilakasan ang loob at nilapitan kita Baka sakali na pwede kitang maimbita Kahit 'di gaanong maayos aking suot na polo ko na kulubot Pagkatapos ako ay nagsalita "Mawalang-galang na, miss, teka, 'wag kang mabilis lumakad Yo, pwede ba kitang maihatid Gamit aking pedicab na aking pinakintab? 'Wag ka nang magbayad, sana sa akin ay bumilib Ako na'ng magdadala ng payong at ng bag mo Palagi kong pupunasan ang mga libag mo Kahit 'di ako ang pinapangarap hinahanap 'Pag kaharap ay palaging binibihag mo Ang katulad kong maralitang umiibig At pilit na inaabot ang mga bituin Ga'no mang kadaming salita'ng aking ipunin, balutin, ilihim Sabihin ang tangi kong hiling, makinig ka sana sa 'kin" Ah, minahal kita agad (matagal ko nang gustong sabihin sa 'yo 'to) Ah, minahal kita agad (kahit na ngayon lamang tayo nagkatagpo) Ah, minahal kita agad (lagi kong pinapangarap na ikaw ay sumakay) Ah, minahal kita agad (ang aking sidecar, laging naghihintay) Halika na sa aking pedicab, girl Sa 'kin ma-in love, girl, ipapadama ko sa 'yo Habang umaandar aking pedicab, girl Laging sa 'yo lang, girl, pag-ibig ko na ganito Kahit ano pa'ng iyong gustong gawin Kapag nababagalan ay kayang-kaya ko na pabilisin At kahit na ano pang hirap ay hindi ko pansin Mga daan na matarik ay aking pepedalin Palaging ikaw ang nilalaman ng aking isipan Mapaaraw man o mapagabi 'Di ka idadaan sa putik, 'kaw lamang ang nakaukit sa puso ko Kahit mapasaisang tabi Sa pagsikat ng araw, inaabangan ka na Makita lamang ang 'yong mga magandang mata Palagi kong dinadalangin, kahit 'di mapasaakin Ay lagi kong sinasabi na "Mahal kita" Pero ang buhay ay talagang napakapait 'Di pwedeng sumabay ang tag-ulan sa tag-init Bakit laging minamaliit? 'Di ko pwedeng makamit Ang katulad mo, pilitin ko man dumikit Pasensiya ka na sa wallet ko na manipis Sa mumurahing pabango na 'di mo matiis At kung hindi talaga pwede, sabihin lamang sa akin Asahang hinding-hindi ako maiinis dahil tubig at langis Ah, minahal kita agad (matagal ko nang gustong sabihin sa 'yo 'to) Ah, minahal kita agad (kahit na ngayon lamang tayo nagkatagpo) Ah, minahal kita agad (lagi kong pinapangarap na ikaw ay sumakay) Ah, minahal kita agad (sa aking pedicab, ako'y maghihintay) Ah, minahal kita agad (matagal ko nang gustong sabihin sa 'yo 'to) Ah, minahal kita agad (kahit na ngayon lamang tayo nagkatagpo) Ah, minahal kita agad (lagi kong pinapangarap na ikaw ay sumakay) Ah, minahal kita agad (ang aking sidecar, laging naghihintay) Ah, minahal kita agad (lagi kong pinapangarap na ikaw ay sumakay) Ah, minahal kita agad (sa aking pedicab, ako'y maghihintay)
Writer(s): De Leon Joey, Sotto Marvic Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out